Special Chapter

45.5K 1K 202
                                    



Kill's POV

"Ano bang ginagawa ninyo rito?" nakabusangot kong taong sa mga taong nakatambay sa sala ng bahay namin. Halos mapuno ang sala namin dahil sa kanila.

"Hi! Good morning Bear!" bati ni Shiela.

"Kill, mag-ayos ka nga muna. Para kang nirape dyan ni Avey." sabi ni Noimi. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano ba kasing ginagawa ninyo rito?" takang tanong ko sa kanila. Napuno ang sala dahil nandito ang buong Dragon Empire.

"Nandito kami para magmove on." sabi ni Anya. Napataas ang kilay ko.

Dalawang araw na nakakalipas pagkatapos ng Summer Cup. Naging busy kami kahapon sa mga interview ng sports channel at mga reporter. Ngayon lang kami makakapagpahinga pagkatapos ng Summer Cup pero nandito naman ang Dragon Empire para guluhin ako. Nagising ako sa ingay nila kaya hindi ko na nagawa pang mag-ayos.

Bumuntong hininga ako at umakyat pabalik sa kwarto ko. Napatingin ako kay Avey na mahimbing na natutulog. Napangiti agad ako. Saglit ko lang sya tinignan at pumasok ng banyo para maligo. Mabilis ko lang tinapos ang paliligo ko dahil may mga bwisita ako. Nagsuot ako ng jersey shirt. Alam ko kasing yayayain nila akong maglaro. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako kwarto at binalikan ang mga bwisita.

"Alam na alam ah?" sabi ni Krystal pagkakita sakin. Inirapan ko sya.

"Kumain na ba kayo?" tanong ko sa kanila. Hinanap ko si Ella, kakausapin ko sya kung bakit sila nandito.

"Hindi pa pero nagluluto sila Ella ng almusal. Nahiya naman kasi kami." sabi ni Shiela.

"Mabuti naman." sabi ko at tumungo sa kusina. Nandon si Joey, Juls, Abby at Ella na nagluluto. Ang dami na nilang naluto.

"Good morning, Kill." nakangiting bati ni Abby. Tumango ako sa kanya.

"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Nang-iistorbo." sabi ni Juls.

"Magaling. Naistorbo ninyo ako." irap na sabi ko sa kanila. "Oo nga pala. Bago naganap ang Summer Cup, nagpa-try out na kayo sa bagong rookies na itra-train ninyo?" nung samin bago ginanap ang Summer Cup nagpa-try out sila.

"Yes. May mga napili na rin ang management kung sino-sino sila." sagot ni Ella. "Next next week na mag-uumpisa ang training nila."

"Excited na mga sila Shiela na mag-train sa kanila. Ipapadanas daw nila ang hirap ninyo sa mga bago." natatawang sabi ni Juls habang nagluluto ng pancake.

Naupo ako sa isang upuan habang pinapanood sila sa paggawa ng almusal.

"Wala talagang nakakatalo sayo, Kill." sabi ni Abby habang nakatingin sa niluluto nyang fried rice. Nakitbitbalikat ako.

"Anong wala?" napatingin kami kay Ella. "Si Avey lang ang makakatalo sa taong ito." sabi nya habang nakaturo sakin ang kutsilyo na hawak nya. Napaatras ako sa ginawa nya.

"Ibaba mo nga 'yan." sabi ko.

"Oops." nakangiting nagpatuloy sya sa paghiwa ng kamatis. "Subukan mong kalabanin si Avey. Tignan ko lang kung magagawa  mo pang maka-score sa kanya."

Bumuntong hininga ako. "Kahit naman yayain ko syang maglaro kami, hindi naman sya magseseryoso."

"Hmm..how about maglaro tayo?" patanong na sabi ni Ella.

"Hindi ba't iyon naman talaga ang ipinuntan ninyo dito?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

"Sira, yung iba siguro ang may gustong makalaro ka pero hindi ako 'no." sabi ni Ella. Napangiti na lang ako ng bahagya. "Pero maglaro tayo. Kami nila Juls, Ali, V, at Avey. Ikaw na mamili sa mga ka-batchmate mo ang maging kakampi mo." napaisip naman ako.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now