Chapter 20

40.4K 1K 277
                                    



Kill's POV

"Babe, I'm back." kumunot ang noo ko. Tinignan ko naman yung isa na nakangisi pa rin sakin. Anong ginagawa ng mga ito rito?

Tumingin ako kay Abby na masamang nakatingin samin ng nakayakap sakin. Nung napansin nya na nakatingin ako sa kanya ay inirapan nya ako.

"Hoy Mendez feel na feel ang pagyakap kay Bear ah." sabi ni Shiela kaya tinignan sya ni Daniella pero nakayakap pa rin sakin.

"Namiss ko lang ang babe ko." kahit hindi ko sya nakikita alam kong naka-pout sya.

"Namiss ko rin si Kill kaya ako naman ang magyayakap sa kanya, Dalandan." napangisi ako dahil dalandan pa rin ang tawag ni Rachel kay Daniella.

"No!" sabi ni Daniella at niyakap ako ng mahigpit.

"Wag kang madamot d'yan Dalandan." sabi ni Rachel at pilit na ilayo sakin si Daniella. Medyo nasasaktan naman ako dahil hindi ako binibitawan ni Daniella.

"No!" hinigpitan ni Daniella ang pagkayakap sakin kaya medyo nasasakal na ako.

"Daniella bitawan, nasasakal na ako!" sabi ko, agad naman syang bumitaw pero nakahawak pa rin sya sa magkabilang balikat ko. Agad naman syang tinulak ni Rachel at sya naman itong yumakap sakin pero hindi katulad ni Daniella na sobrang higpit.

"I missed you, Kill." sabi nya habang nakayakap sakin. Niyakap ko na lang din sya.

"Unfair! bakit sakin hindi mo ko niyakap!" inis na sabi ni Daniella pero hindi ko sya pinansin. Tumingin ako sa pwesto ni Abby pero hindi ko na sya nakita doon. Nung bumitaw sakin si Rachel lumapit sakin si Noimi.

"Umalis nagselos ata ng todo." bulong nya sakin habang nakangiti.

"Teka bakit kayo nandito?" takang tanong ko sa kanila.

"Bakit ayaw mo bang nandito kami?" naka-pout na sabi ni Daniella. Hindi ako sumagot, sina Noimi at Bear naman nagpipigil ng tawa. Alam kasi nilang ayoko nasa paligid si Daniella, napaka-clingy nya kasi.

"Nandito kami dahil nakatanggap kami ng letter galing dito na pasado daw kami para mag-training dito." nakangising sabi ni Rachel. Napakunot ang noo ako dahil tila may hindi tama. Wala sanang kinalaman sila Dad dito.

"Lah halos eight months na simula nung mag-umpisa yung training bakit ngayon lang kayo?" takang tanong ni Gail.

"I dunno, kahapon lang namin natanggap yung letter eh." sagot ni Rachel.

"May ganito talagang nangyayari sa tuwing may nakikita sila Tito na magagaling at gusto pang gumaling sa paglalaro ng basketball. Sya nga pala ako si Ella team captian ng Lady Dragon at Blue Team." nakita kong kumunot noo yung dalawa sa sinabi ni Ella.

Shit. May kinalaman talaga si Dad dito.

"Kung nagtataka kayo. Nahahati ang DBG sa dalawang team, Red at Blue. Mamaya kailangan ninyo pumili ng team kung saan ninyo gusto." sabi ni Juls.

"Oh ganon pala 'yon. So babe saan kang naka-team?" tanong ni Daniella pero hindi ko sya sinagot, tinignan ko lang sya. Ayoko syang maka-team kaya ayoko syang sagutin.

"Sa Red!" napatingin ako sa mga kasamahan ko, sinamaan ko sila ng tingin pero nakangiti lang sila. Yung ngiting nang-aasar. Tinignan ko naman yung isa na may ngiting tagumpay sa labi. Badtrip, kay Abby pa lang gulong gulo na ang buhay ko tapos dadagdag pa itong napaka sa lahat.

"Excited na ako sa mangyayari sa Red team." nakangiting sabi ni Lexie. Napairap ako. Pwes, ako hindi.


Melting Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon