Chapter 36

35.9K 1.1K 369
                                    



Ashley's POV

"What?" malamig na sabi nya dahil nakatingin kaming lahat sa kanya.

"Bear/Kill/Babe!" sabay-sabay na sabi ng apat at sinugod nilang apat si Kill. Napatumba pa nga si Kill dahil niyakap sya ni Shiela.

"Bear! wahh! nakakainis ka! nakakainis ka!" napangiti na lang kami habang pinapanood silang dalawa.

"Ugh! Bear, masakit!" sigaw ni Kill kaya ang ibang tao ay napatingin samin dahil sa lakas na sigaw ni Kill. Anong ginawa ni Shiela kay Kill?

"Dapat lang sayo 'yan! bwisit ka!" sabi ni Shiela at pinaghahampas si Kill. Hindi naman makailag si Kill dahil nakadagan sa kanya si Shiela. Kawawang Kill.

"Hindi ninyo ba pipigilan si Shiela kakabugbog kay Kill?" tanong ni V.

"Hindi." sabay na sabi ni Noimi at Dani.

"Bakit naman?" tanong ni Jhoana

"Dapat lang sa kanya 'yan, umalis ng walang pasabi." sabi naman ni Rachel.

"Bestfriend ba kayo ni Kill?" natatawang tanong ni Hans.

"Aray!" natawa kaming lahat dahil nahiga sa semento si Shiela dahil tinulak sya ni Kill. Tumayo si Kill at pinagpag ang damit nya.

"Bakit mo ako tinulak?!" inis na sabi ni Shiela at tinulungan sya ni Juls na tumayo. Girlfriend job.

"Tsk.." natahimik sila dahil mukhang napansin na nila ang pinagbago ni Kill. Miski ako nahirapan akong kausapin sya nung mga panahon na nakasama ko ulit sya, nasanay lang ako nitong mga nagdaang linggo at nagagawan ko na rin syang asarin.

Tumingin si Kill kanila Abby, yumuko si Gail at umiwas naman ng tingin si Abby. Mas lalong walang nagbalak na magsalita samin sa sobrang intense na nangyayari rito. Bigyan natin ng title. Ang pagbabalik ni Ex!

Lumapit si Kill sa dalawa kaya napatingin ang dalawa sa kanya. Huminto sa harap ni Abby si Kill. Tumingin si Kill kay Gail tapos kay Abby. Umabante ng isang beses si Kill palapit kay Abby, ang lapit tuloy ng mukha nya kay Abby.

"Teka!" sabi ni Gail at inilayo si Abby kay Kill. "Alam kong may nagawa kaming kasalanan sayo ni Abby pero wag mo naman kunin sakin si Abby. Mahal ko sya, Kill." nagmamakaawang sabi ni Gail. Mahal na mahal nya nga si Abby, nagawa nyang kausapin ng maayos si Kill kahit na ang lamig na ng tingin sa kanya ni Kill. At hindi lang 'yon, kahit na may past ang dalawa inilayo nya pa si Abby kay Kill.

"Wala akong balak balikan ang mga taong nanloko sakin." malamig na sabi ni Kill. Nakita kong napayuko si Abby at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Gail.

"Hindi nya naman intention na lokohin ka." lakas loob na sabi ni Gail. Nailing ako, kung ako sa kanya ay hindi nya na dapat sinagot pa si Kill.

"Hindi ko kailangan ang opinion mo." sabi ko na nga ba, dapat hindi nya na sinagot pa si Kill. Tignan mo napahiya pa sya.

"Tama na 'yan, nagpunta tayo rito hindi para magkainitan, mainit na nga yung panahon papainitan ninyo pa." sabi ko.

"Tama si Ashey, akala ko wala na syang matinong sasabihin eh." sabi ni Maybelle.

"Sus sagutin mo na lang si V nang matuwa tuwa kami." sabi ko. Natawa naman kami dahil hindi nakaimik si Maybelle. At least naging light na yung atmosphere 'di ba?

"Teka may napansin ako parehas kayo ng jacket, iisang team lang kayo?" tanong ni Shiela.

"Actually, sya ang team captain namin." sabi ko at tinuro si Kill.

Melting Ice PrincessWhere stories live. Discover now