Chapter 6

145K 1.3K 54
                                    

Hey guys! I know that a lot of you are already waiting for an update of this story. Kagaya nga ng sabi ko, tatapusin ko na rin ito. So here's the new update.

Enjoy!

And don't forget to VOTE and leave your COMMENTS.

Thanks a lot!

Always,

Sharon Rose

P.S. Hindi ako mahilig mag-dedicate dati pero ngayong nadiskubre ko na, gagawin ko na. I'll dedicate updates to those readers who exerted efforts to vote and leave comments. This is to show my appreciation. xoxo!

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagkulong sa loob ng kanyang silid si Diadem. Hindi na muna siya lumabas pa. Baka mag-krus na naman ang mga landas nila ni Vince at baka kung ano na naman ang mangyari. Pagkatapos ng insidenteng namagitan sa kanila sa loob ng elevator ay nananayo ang balahibo niya kapag naaalala ang lalaki.

Why was this happening? Bakit may isang pakialamerong lalaking bigla na lamang sumulpot at inagaw ang atensiyon niya mula kay Rohan? And that steamy encounter that happened between them inside the elevator... God! She didn’t know what else would have happened if the power didn’t come back on time. Baka hindi lamang halik ang nagawa nito sa kanya. And she freaked out with the thought. Hindi pupuwede iyon!

Hindi ito ang lalaking gusto niyang mapangasawa. But she couldn’t deny that there was a massive spark between them that turns into a fireball of desire everytime they were close. Mas physically attracted pa nga yata siya kay Vince kaysa kay Rohan. Oo nga at guwapo rin naman si Rohan at desirable pero delubyo ang hatid sa kanya ni Vince.

But she wouldn’t let him destroy her plan. The man was wild, rough and untamed, and he was the epitome of a man that she didn’t want to end up with. Lahat ng ayaw niya sa lalaki ay taglay nito - sinful, domineering and a control freak. Ayaw na ayaw niya sa lalaki na kokontrolin siya. She wanted to be the man in the relationship, the one who calls the shot.

Muli na namang sumagi sa isipan niya si Vince at napamura siya. She could still feel his hands on her breasts, tugging with her nipples, and her flesh shuddered involuntarily. Damn! How could she erase him from her system? She didn’t want to think anything about him. She didn’t want to waste any of her precious time thinking about that dreadful man.

Dapat ay hindi siya nagkukulong sa kanyang silid ngayon. Dapat ay nasa labas siya at gumagawa ng paraan kung papaano sila magiging magkalapit ni Rohan. She needed to get Rohan under her turf. Dapat ay head over heels in love na ito sa kanya bago matapos ang kanyang bakasyon.

Napabuntong-hininga na lamang si Diadem. Akala niya ay magiging madali lamang sa kanya na mapaibig si Rohan. Pero hindi pala ganoon kadali iyon. Dahil may isang asungot na sumisira ng diskarte niya sa katauhan ng hudas na si Vince. She didn’t expect this to happen. Kaya naman ay hindi niya napaghandaan.

Pero magpagayunman ay hindi basta-basta masisira nang kahit na sinuman ang mga plano niya. Nakakulong man siya sa suite niya pero gagawa pa rin siya ng paraan para makontak si Rohan. She already had his cellphone number. Tinext niya ito.

Hi Rohan! Diadem here. What’s up? :)

Nakahiga siya sa kama at hawak niya ang kanyang smartphone. Pero ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin siyang natatanggap na sagot mula kay Rohan. At naiinip na siya. Was Rohan busy? Baka naman may inasikaso ito kaya hindi pa sinasagot ang text niya.

Bored siya kaya napagbuntunan niya ng pansin ang kanyang phone. She took selfie photos. Hindi naman niya iyon gawain pero iyon ang nagiging bunga ng boredom sa kanya. Namili siya ng pinakamaganda niyang selfie pic at sinend iyon kay Rohan. Maya-maya ay tumunog ang phone niya.

Hi beautiful! I’m fine. U?

Her lips curved in an amused smile. Effective pala ang selfie picture na sinend niya sa lalaki. Nag-reply kaagad ito.

Alone in my room nd nw i’m so bored. *yawns

She was bored, yes, but she didn’t wana go out either.

What a shame! Someone as beautiful as u shud be having fun now.

Napahagikhik siya sa reply na iyon ni Rohan.

Thank u for the compliment though. *blushing now. :)

Kinikilig na naghintay siya sa reply nito. Pero mukhang naging busy na naman ang lalaki at ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin ito sumasagot. Humaba na tuloy ang nguso niya.

Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone. Nine thirty nang gabi. Buong maghapon na siyang nagkulong sa silid niya at bored na bored na siya. She just ordered food and have it delivered to her room.

Nakaka-trauma kasi ang isipin na baka kapag lumabas siya ay muli niyang makabanggaan ang hudas na si Vince.

She sighed. Buti na lamang at kahit papaano ay nakuha na niya ang cellphone number ni Rohan. She could now text him. Pero ang siste at hindi na yata sumagot sa text niya. Naiinis na tuloy siya. Parang gusto na niya itong i-text ulit.

Kaya ganoon na lamang ang tuwa na lumarawan sa mukha niya nang tumunog ang kanyang phone at makitang galing iyon kay Rohan.

Wana hav fun tonight? Let’s hook up. I’m here in the bar.

Kaagad na napatayo siya nang mabasa ang text nito. Ayaw niyang lumabas pero hindi rin niya palalampasin ang pagkakataong ganito. Rohan was asking her to hook up with him. Pagkakataon na niya iyon.

Pls give me around 45mins. I’ll b there. See u!

Pagkatapos mai-send ang kanyang text ay nagkukumahog na nag-ayos na siya ng sarili. She changed into a sexy, short shorts and a belly baring, apple green, halter top. Mabilis na naglagay siya ng makeup sa mukha. Magpapaganda siya nang husto ngayong gabi. She sported a smokey, cat-winged eyes and nude lips. Hindi na niya kailangang guhitan pa ng eyebrow pencil ang kanyang mga kilay dahil makakapal na ang mga iyon at maayos na naka-shape.

She saw an irresistible bombshell when she looked at her reflection in the mirror. And she was pleased. Pagkatapos ay nag-spray na siya nang mamahaling perfume sa kanyang leeg, dibdib at likod. Gusto niyang maging mabangong-mabango ngayong gabi.

She wore her four inches nude peptoes. Mataas iyon pero kumportableng suotin at hindi masakit sa paa.

Hi Rohan, I’m coming 2 d bar now. See u in a few!

Pagkatapos mai-send ang text niyang iyon kay Rohan ay excited na lumabas na siya ng kanyang suite at pumunta sa bar ng Temptress Hotel.

Excited na siya na makita si Rohan at makasama ito ngayong gabi.

 

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon