Chapter 26 continuation...

75.3K 1.1K 88
                                    

Kaagad na inabot niya ang kopita ng alak at uminom. Kailangan niya ng lakas ng loob ngayong gabi. If the alcohol could give her the strength she needed, so be it. Inubos niya ang laman ng kopita. It was a hard drink but she didn't care. She was about to toss the goblet back on the table when it slipped from her shaking hands. Nahulog iyon sa sahig at nabasag.

"Oh!" Natutop niya ang bibig. Kaagad na inilayo niya ang paa nang tumilamsik ang mga bubog nang nabasag na kristal.

"Diadem!" Dinaluhan siya ni Rohan at inilipat sa ibang upuan. Kaagad na tinawag nito ang isa sa mga waiter at pinalinis ang nagkalat na bubog sa paligid. "Okay ka lang?" he asked her.

Tumango lamang siya. "I think I need to go to the restroom, Rohan," she whispered in exhaustion.

Mataman siyang tinitigan nito. He looked worried.

"I'll be fine, Rohan," aniya as she heaved a sigh. "I'll just go and freshen up. Okay na ako pagbalik ko."

"Sige..." Inalalayan siya nitong makatayo.

Her legs were wobbly, but she tried her best to walk straight. Her stilleto wasn't helping at all. But she managed to leave the crowd and looked for the Women's Restroom.

Nahigit niya ang hininga nang makita sa sulok ng kanyang mga mata ang pigura ng lalaking dahilan kung bakit bigla na namang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Papalapit ito sa kanya. She tried to increase her pace as best as she could. Kailangang iwasan niya ito. Panganib lamang ang dulot nito sa kanya at hindi makabubuti ang mapag-isa silang dalawa.

She was approaching a sharp curve when she felt his firm hand grab her arm. And before she could squeak, he dragged her somewhere, in a dark and secluded corner. Parang sasabog na yata ang kanyang dibdib sa pagkabigla at kaba. He pushed her against the wall, his body pressed tightly against hers.

"Vince!" she cracked a protest.

His face was a shadow of darkness when he hissed a bloody expletive. Mahigpit na hinawakan siya nito sa batok. Napatingala siya.

Nahigit niya ang hininga nang marahas na sumakop ang mga labi nito sa kanya. Para iyong bagyo na biglang hinigop ang kanyang buong lakas.

Nanghihinang napasandig na lamang siya sa pader habang bihag nito ang kanyang mga labi. Nanginginig ang kanyang buong kalamnan.

But it wasn't out of fear. Katunayan ay kusang pumulupot ang kanyang mga kamay sa batok nito. She opened her mouth and welcomed his invasive kiss. Seconds later, they were kissing each other as if there was no tomorrow, as if they were lovers who had never seen each other for a long time.

And she was lost in the whirlwind euphoria of the moment.

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon