Chapter 40

7.5K 114 1
                                    


EIGHT YEARS AGO

Vince rushed to the hospital when he received an emergency call that Winona encountered an accident.

Nabangga raw ito at tinakbuhan nang nakabangga. Buti na lamang at may nakakita rito habang nakabulagta sa semento at isinugod sa ospital. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh. His mother wasn't safe in the Philippines. Dapat na niya itong madala sa Dubai sa kanyang pagbabalik.

Wala siyang kaalam-alam na naghihirap na pala sa Pilipinas ang kanyang ina. Kung hindi pa siya nakauwi ng bansa dahil kinulit niya ang kanyang ama na sandaling magbakasyon sa Pilipinas ay hindi pa niya malalamang nakakulong pala ito.

Itinago iyon sa kanya ni Winona. Sumusulat pa rin naman ito at tumatawag sa kanya paminsan-minsan para mangumusta. Ayaw nito na siya ang tumawag dito. Ipinabago raw kasi nito ang numero ng telepono sa kanilang bahay pero hindi ibinigay ang bagong number sa kanya. Ayaw daw nitong makaistorbo at maabala siya kaya raw ito madalang kung mangumusta. Nagpapadala rin ito ng sulat sa kanya na walang return address.

Kahit gaano man siya ka-busy sa Dubai at isang napakalaking kumpanya ang pinag-aaralan niyang pamahalaan, he would always have time for his mother. Mahal na mahal niya ito at higit pa sa isang ina ang kanyang turing dito. The woman was selfless enough to sacrifice everything that she had for him. Inalagaan siya nito, pinag-aral at minahal na tila isang tunay na anak. He would forever be grateful of everything that she did for him. Kung wala si Winona ay hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya nang mamatay ang kanyang ina. Siguro ay naging batang palaboy siya, namamalimos sa lansangan at sumisinghot ng rugby para makalimutan ang kumakalam na sikmura. At dahil merong isang Winona na kumupkop sa kanya, naging maganda ang kanyang kinabukasan.

Sa tuwina kapag tinatanong niya ang ina kung kamusta na ito, Winona would always assure him that she was just fine. Kaya ang buong akala niya ay okay lang talaga ito. Until he went home and discovered that Winona was far from okay. Nasa Dubai siya ng mga panahong iyon. He had just been reunited with his father and was being groomed to manage his father's multi-billion dollar, oil empire in the gulf.

Noong pumunta siya ng Dubai ay gusto sana niyang isama ang ina pero tumanggi ito. Nagpaiwan ito sa Pilipinas. Ayaw sana niya nang ganoon pero nirespeto niya ang kagustuhan ng itinuring na ina. Ilang buwan pa lamang siya sa Dubai nang makatanggap siya ng sulat mula kay Winona.

Ibinalita nito sa kanya na sa wakas ay nahanap na rin nito ang matagal nang hinahanap na anak. He was happy with the good news. Alam kasi niyang labis na ikinatuwa iyon ng ina dahil iyon ang dalangin nito sa loob nang mahabang panahon - ang makita at mahanap ang matagal nang nawawalang anak.

Winona included her precious daughter's picture in her letter. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nasilayan niya ang mukha ni Diadem. She was a teen back then. She was smiling so sweetly in the picture that he looked at the photograph for a long time. Napaka-inosente nitong tingnan. She looked happy and radiant. At parang walang kamuwang-muwang sa malupit na mundo. Kailanman ay hindi niya naisip na ang maamong mukhang iyon ay may itinatago palang kasamaan. Na kaya pala nitong pahirapan, saktan at ipakulong mismo ang sariling ina.

Kahit pa alam niyang hindi alam ni Diadem na si Winona ang tunay nitong ina, hindi niyon napalis ang galit na nararamdaman niya para sa dalagita. Mahal na mahal niya si Winona at inalagaan niya ito. And whoever would hurt his beloved mother was his enemy. At galit na galit siya kay Diadem for hurting Winona while he was away. Kung nandito lamang siya ay hindi niya hahayaang mangyari ang nangyari sa kanyang ina. And now that he was back, no one could hurt Winona anymore. Nandito na siya para ipaglaban at protektahan ito. Pero nalingat lang siya nang kaunti at eto na naman. Winona was a victim of hit and run. And he was fuming as he swore that he would turn the world upside down just to look for the criminal and put him to jail.

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Where stories live. Discover now