Chapter 14

111K 1K 57
                                    

Wala si Vince sa suite nito kaya hinanap niya ang lalaki sa beach. For the past days, they had been inseparable. And she enjoyed spending time with him. Ni hindi na niya namalayang mag-iisang linggo na pala silang nagkikita at malapit nang matapos ang kanyang bakasyon.

She had just spent a few hours in her suite. Pero nami-miss na niya si Vince. Magkasama sila kagabi at doon siya natulog sa silid nito. Umaga na siya nang bumalik sa silid niya.

Napasarap yata ang kanyang tulog at hapon na siya nang magising. And she hadn't eaten lunch yet.

She looked at her wristwatch as she walked on the beach. Mag-aalas tres na ng hapon. Nasaan kaya si Vince? Kumakalam na ang sikmura niya at gusto niyang magpasama sa lalaki na kumain sa isa sa mga restaurants sa palibot ng resort.

Kaagad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang mamataan ang lalaki. Binilisan niya ang paglalakad. She was about to call him when she looked at his side. Her smile faded when she saw a beautiful woman beside him, holding his hand.

Her feet froze. Nagkasalubong ang mga kilay niya habang pinasadahan ng tingin ang babae. Tumingkayad ito at hinalikan sa mga labi si Vince. She felt as if her heart was knifed.

Ano ang ginagawa ni Vince sa beach kasama ng isang magandang babae? Sino ang babaeng kasama nito?

"Natalie... sweetheart..." His voice reverberated in the air, enough to be heard by her ears, as he pulled the woman in his arms and kissed her.

Diadem was shocked. Bigla yatang nanigas ang kalamnan niya at hindi siya makagalaw. Parang itinulos lamang siya sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan si Vince na may kahalikang ibang babae.

He let the woman go and glanced at her direction. Nagtama ang mga mata nila. She was just a few meters away from him and she was so sure that he could see her. Pero blangko ang ekspresyon nito nang magtama ang mga paningin nila. He seemed as if he didn't recognize her. Pagkatapos ay magkahawak-kamay na lumayo ang mga ito sa kanya.

Hindi na niya alam kung ano ang nangyari. Gusto niyang tawagin si Vince at sundan ito pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa.

At hindi rin siya makahinga nang maayos. Pakiramdam niya ay may isang kamay na pumipiga sa kanyang dibdib at naninikip iyon. Nasapo niya ang kanyang puso.

Nawala na sa kanyang paningin ang pigura ni Vince at ng babaeng kasama nito pero tulala pa rin siyang nakatingin sa kawalan. She couldn't believe what she saw.

Seeing Vince with another woman was a complete shocker. She thought that they already had an understanding, and that they were something like a couple. They'd been spending time for the past days and had been sleeping together as well.

What went wrong?

Parang hindi niya yata kayang tanggapin ang natunghayan niya. He couldn't be with another woman. She just couldn't take that after what had happened between them.

Pinaglaruan lamang ba siya ng lalaki?

Hindi na niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Sunod-sunod iyon. She closed her eyes to stop her tears, but her body suddenly softened. Nabuwal sana siya sa buhanginan kung hindi lamang may mga kamay na sumalo sa kanya.

"Hey!"

Sa nanlalabong paningin niya ay nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Rohan. "I can't breathe... Rohan..." she managed to utter in a weak voice. She felt being suffocated as her chest continued to constrict even more.

"Please... I need a doctor..." And she closed her eyes as her world started to darken.

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Where stories live. Discover now