Capitulo Uno

9K 304 70
                                    



Capitulo Uno



"Señorita Victoria! Parang awa mo na po, lumabas ka na po ng iyong silid."

Hindi ko pinansin ang pagsusumamo ng criada na panay ang katok sa pintuan ng aking silid. Patuloy lamang ako sa pagbabasa ng aking libro na pasalubong sa akin ni Kuya Matias nang pumunta siya sa Intramuros upang asikasuhin niya ang mga negosyo ng pamilya naming. Marahan akong tumawa dahil sa nakakatuwang senaryong sa pahinang aking binabasa.

"Señorita Victoria!" sunud-sunod ang pagkatok.

Huminga ako ng malalim bago ako tumayo at naglakad papunta sa pintuan upang pagbuksan ang criada'ng kanina pa nanggugulo sa aking pagbabasa. "Ako'y naiinis sa iyo! Alam mo bang inaantala mo ang aking pagbabasa ng isang napakagandang libro?"

Napayuko ito at mukhang nagsisisi sa kasalanang nagawa. "Paumanhin, Señorita."

Pumasok ako sa aking silid at sumunod ito sa akin. Umupo ako sa aking paboritong silla na nanggaling pa sa España. "Ano bang kailangan mo't parang hindi iyan makapaghintay?"

"Señorita, dumating na po si Señor Matias at nais ka niya pong makita ngayon. Doon ka po niya hinihintay sa salas."

Biglang nawala ang inis na aking nararamdaman sa criada na nasa aking harapan. Dumating na ang dahilan kung bakit nagiging masaya pa ang aking buhay. Si Kuya Matias na lamang ang aking kakampi dito sa tahanang ito.

Nitong nakaraang buwan ay iniharap ako ng aking mga magulang sa binatang nakatakdang ikasal sa akin. Si Señor Linares Pelaez. Hindi ko ninais na maikasal sa kanya sa darating na panahon. Kahit anong tutol ko'y buo na ang kanilang desisyon. Maski si Kuya Matias ay tutol sa kasalang ito ngunit wala na kaming magagawa pa. Wala rin kaming karapatan na kumontra sa nais ng aming magulang dahil bilang isang mabuting anak ay marapat lamang na sundin ang kanilang nais.

Malalim akong bumuntong hininga. Tila ang kapalit sa mga natatamasa kong karangyaan ay ang aking kalayaan. Nais ko pang maglibot sa buong mundo at magsulat ng isang libro na tungkol sa aking makikita ngunit hindi iyon mangyayari. Bilang isang babae ay marapat lang na nasa loob lamang ng bahay. Maaaring maglibot ngunit hindi maaaring tumagal sa labas. Maaari itong magsimula ng kung anu-ano usapan.

Sa loob ng dalawangpu't tatlong taon ng aking buhay, mabibilang lamang sa aking kamay na nasunod ang aking nais.

Muli'y bumuntong hininga ako at bumaling ang tingin ko sa criada namin. "Pakisabi kay Kuya na ako'y bababa na." marahan ako nitong tinanguhan bago lumabas ng aking silid.

Napatingin ako sa salamin at sinipat ang aking ayos. Dapat ay maayos ang aking postura. Kinuha ko ang aking pamaypay at nagmadaling bumaba na pino pa rin ang aking kilos. Ayokong masita. Kaunting maling kibot ay may karampatang kaparusahan mula kay Mama. Ang sabi niya'y bilang isang dalaga ay dapat maging maingat sa ikinikilos. Hindi maaari ang magaslaw na kilos. Dapat ay mahinhin at pinong kumilos.

Nang makarating ako sa salas ay nawala ang ngiti sa aking labi. Wala si Kuya Matias kundi ang aming magulang at ang familia Pelaez. Biglang kumulo ang aking dugo sa criada na nagsinungaling sa akin. Nais ko siyang bigyan ng parusa mamaya.

"Nandito na pala ang aming unica hija. Victoria, umupo ka dito sa aking tabi at nang maumpisahan na natin ang plano sa darating ninyong pag-iisang dibdib ni Señor Linares." magiliw na sabi ni Mama.

Wala akong nagawa kundi sundin ang nais ni Mama. Napasulyap ako kay Señor Linares. Ngumiti siya ng napakatamis sa akin. Agad naman akong nagpaypay ng mahina. Binibigyan siya ng mungkahi na kung maaari ay maghanap na lamang siya ng ibang binibini na pakakasalan at iibigin. Nakaraang linggo'y nagtapat si Señor Linares ng pag-ibig sa akin na agad ko namang sinabi na hindi ko matatanggap ang kanyang pagsinta.

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now