Capitulo Siete

4.4K 184 9
                                    



Capitulo Siete



Sumikdo ang aking puso. Wala akong masabi. Masyado akong nabigla sa mga sinambit nu Alejandro.

"Victoria?"

"N-Nagtatapat ka ba ng iyong damdamin sa akin?"

"A-Ano?"

"Ang sabi ko'y nagtatapat ka ba ng iyong damdamin sa akin?" Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Unti-unti na ring bumabalik sa normal ang pagtibok ng aking puso. "Alejandro?"

"May kailangan pala akong tawagan. Magpahinga ka na, Victoria." Nagmamadali siyang iniwan ako.

Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Nakadama ako ng panlulumo dahil hindi sinagot ni Alejandro ang aking tanong. Hindi ko mawari sa akin sarili kung bakit umasa ako na oo ang sasabihin niya. Bumuntong hininga ako at inumpisa ko nang ligpitin ang aking gamit. Mas mainam na kalimutan ko na ang sinabi ni Alejandro kanina. Sa tingin ko'y dala lamang ng sobrang pagod kaya niya iyon nasabi.

"Victoria?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Bakit Alejandro?"

"Inimbita ako ni Senator Cervantes sa selebrasyon ng kasal nila ng asawa niya bukas ng gabi. G-Gusto sana kitang isama, kung papayag ka."

Taimtim ko siyang pinagmasdan. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari kanina samantalang ako, kailangan kong iwaglit sa aking isipan ang mga sinambit niya. Kimi akong ngumiti sa kanya. "Maaari mo naman akong isama. Ang problema lamang ay wala naman akong maisusuot para bukas dahil hindi ko naman alam kung anong sinusuot ninyo sa mga piging mayroon kayo."

"Huwag kang mag-alala. Bukas ng umaga ay darating na ang damit na isusuot mo. Sigurado akong magugustuhan mo iyon."

"Tiyak naman akong magugustuhan ko iyon dahil alam mo naman kung ano ang mga kasuotang nais ko."

"M-Mabuti kung ganoon."

Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa na labis nga namang nakakailang. Tumikhim ako at kinuha ko ang aking mga gamit. "Maiwan na kita, Alejandro. Ipagpapatuloy ko na lamang sa aking silid itong mga takdang aralin na binigay sa akin ng mga maestra at maestro ko. Magandang gabi." Nagmadali akong tumayo at lumakad papalayo sa sala.

"Victoria."

Nilingon ko si Alejandro. "Bakit?"

"Malalim na ang gabi. Ipagpabukas mo na lang ang mga assignment—takdang aralin mo. Magpahinga ka na."

Tinanguhan ko lamang si Alejandro bago magpatuloy sa paglalakad.

"Magandang gabi rin sa iyo, Victoria. Maging mahimbing ang iyong tulog."

Huminto ako sa paglalakad at huminga ako ng malalim. "Ikaw rin, Alejandro." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung ako'y makakatulog ng mahimbing sa gabing ito.


-----


Lumawak ang aking ngiti nang makita ko ang aking ayos sa harap ng salamin. Napakaganda ng aking suot. Nakakatuwang makakasuot ulit ako ng ganitong damitan. Tila ba'y nagbalik ako sa aking panahon. Napakaganda ng pagkakatahi. Oo, magaganda ang aking mga kasuotan ngunit mas maganda ang disenyo ng damit na ito na tila ba ginawa ito para sa akin.

Umikot ako sa harapan ng salamin. "Ang ganda! Hindi ko mapigilan ang aking sarili na labis humanga sa iyong gawa, Binibining Thalia."

"M-Masaya akong malaman na nagustuhan mo ang design ko. Ang sabi kasi ni Senator Navarroza, dapat daw katulad ng damitan noong Spanish colonial ang style ng damit. Pasensya kung hindi ko masyadong nagaya."

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now