Epilogo

3.2K 139 20
                                    



Epilogo


27 years ago...



"Constantino! Nasaan ka na? Huwag ka na magtago." Ilang beses na nilibot ni Catalina ang kanyang paningin pero hindi pa rin niya makita ni anino man ng kanyang kababata. Na gitna pa man din sila ng gubat tapos bigla siyang tataguan nito. "Constantino, isa pa. Kapag ikaw hindi nagpakita sa akin, uuwi na ako." Halos mapatili siya nang biglang may yumakap mula sa likuran niya.

"Bulaga!"

Sinamaan niya ng tingin si Constantino at malakas na pinalo ito sa balikat. "Baliw ka ba? Gusto mo bang magka-heart attack ako?"

"Sa tingin mo naman hahayaan kong mangyari 'yon?"

Inirapan ni Catalina si Constantino. Nilibot niya ulit ang tingin niya sa paligid. "Bumalik na tayo sa resthouse ninyo. Baka hanapin na tayo nina Mommy at Ninang Keira."

"Hindi 'yan. Nakapagpaalam naman ako sa kanila at saka alam ni Papa na pupunta tayo dito." Hinawakan ni Constantino ang kamay niya at marahan siyang hinila.

"Bakit ba kasi tayo nandito ah?"

"Gusto ko kasing makita ang tree house kung saan nag-propose si Papa kay Mama. Sabi ni Papa, baka wala na raw 'yon ngayon."

"Wala na pala eh. Bakit kailangan pa nating puntahan 'yan?"

"Kaya nga natin kailangang malaman eh." Inakbayan siya ni Constantino. Mukhang nahalata nito na plano niyang tumakas.

"Look, malapit na mag-sunset and we know that forest is dangerous during night time." Bumuntong hininga siya. "Bakit ba kasi gustong-gusto mong makita ang isang tree house na posibleng wala na?"

"Dahil gusto ko rin mag-propose ng kasal sa iyo doon."

Bigla siyang natigilan. "Magpo-propose ka ng kasal sa akin?"

"Oo. Anong tingin mo sa akin? Hindi sineseryoso ang relasyon nating dalawa. Woman, you know that I really love you so much and I can't let you go. Nasabi ko tuloy sa iyo ang plano ko." Marahas ang pagbuntong hininga ni Constantino at lumuhod sa harapan niya.

"T-Teka! Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga." Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Parang bigla siyang nag-hyperventilate sa nangyayari ngayon kahit na alam na niya ang susunod na senaryo.

"Simula pa lang noong bata pa tayo, I always say to you na kapag lumaki tayo papakasalan kita. They think that I was joking but that's a big no. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita. Nakikita ko na ikaw ang makakasama ko habangbuhay. Na magiging ina ng mga anak ko. Maybe I'm not the perfect man for you but I will do my best to give the perfect life for you." May nilabas na singsing si Constantino. "Catalina Grace Navarroza, will you accept me to be the person's beside you for the rest of your life? Will you marry me?"

Naluluhang sunod-sunod na tumango si Catalina. "Yes. Yes, I will marry you."

Ngumiti si Constantino at isinuot nito ang singsing sa daliri niya bago ito tumayo. Niyakap siya ng mahigpit at masuyong hinalikan sa labi.

Sa hindi kalayuan, may dalawang nagkatawang tao na nakamasid sa kanilang dalawa. Abo't tenga ang ngiti dahil sa labis na kasiyahang nararamdaman.

"Nakakatuwa naman silang tingnan." Hindi mapigilang sabi ni Avilius.

"Kaya nga." Pagsasang-ayon ni Glenda—na ang tunay na ngalan ay Alivia. "Mabuti at hindi mo tuluyang tinuloy ang pagbabalik kay Victoria sa panahon niya."

"Kaya nga. Kung ginawa ko 'yon. Baka hindi ko makikita ang nakakatuwang senaryo na ito." Nilingon ni Avilius si Alivia. "Bakit hindi mo sinabi na sila ang reincarnation ni Alexus at ng babaeng iniibig niya? Hindi sana kita tinutulan sa plano mo."

"Nalaman ko lang na sila iyon noong magbuntis si Victoria. Mainam din naman na nakigulo ka noon kina Keira at Gabriel. Hindi rin naman magkasama ngayon si Constantino at Catalina kung hindi mo rin inayos ang oras." Tumango lang si Avilius at naglakad na papalayo kay Alivia. Umisang sulyap muna si Alivia sa dalawang nag-iibigan bago sumunod sa kapatid. Alam niyang magiging masaya na ang kapatid nila.





-Wakas-
Copyright © 2020 by LightStar_Blue
All Rights reserved

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now