Capitulo Veinte

2.6K 122 10
                                    



Capitulo Veinte



Kumabog ang dibdib ko. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi mo ba ako papapasukin sa loob?" Humakbang siya papalapit sa akin kaya napahakbang ako patalikod.

Ang binibining nasa harapan ko ngayon ay hindi ko kaibigan. Isa itong nilalang na nagbalat-anyo upang magpanggap na kaibigan ko at nagbalat-anyo naman kay Celestine bilang isang matandang babae. Hindi ko alam kung bakit nais niyang guluhin ang buhay namin. "Parang awa mo na, layuan mo ako."

"Layuan? Bakit naman?" Pumasok siya sa loob kahit pa hindi ko siya pinapapasok at kaagad na umupo sa sofa. "Ayaw mo bang makita ang iyong kaibigan?"

"Hindi ikaw ang kaibigan kong si Glenda."

"Ako ang kaibigan mo, Victoria. Kahit kailan walang ibang Glend na humarap at nakipagkaibigan sa iyo. Ako lang."

"Sino ka ba talaga?" Lalo akong natatakot sa bawat minutong lumilipas na kasama siya.

"Bakit hindi ka muna maupo, Victoria? Mas magandang nakaupo sa isang komportableng upuan at umiinom ng tsa habang tayo'y nagkukuwentuhan."

Nanlaki ang mga mata ko nang may lumapit sa amin na criada at may dala itong tray na naglalaman ng dalawang tasa ng tsa. Napaupo ako sa sofa.

"Ganyan nga." Humigop muna ng tsa si Glenda bago nagsalita ulit. "Isa akong diwata ng tadhana. Sa akin iniatas ng Panginoon ang pagpili sa mga taong itinadhana sa kanila. Marahil ay nagtataka kung bakit ako nakipagkaibigan sa iyo. Ginawa ko iyon upang maging madali para sa akin na idala ka dito sa panahong ito."

Pagak akong tumawa. "Bakit gusto mo akong idala dito? Maraming binibining aayon sa gusto mo, Glenda."

"Dahil ikaw ang pangatlong binibining sa maling panahon isinilang. Hindi ka nararapat sa sa kinalakihan mong panahon. Dito ka lang nararapat at kung ibang binibini ang idinala ko dito, malamang ay hindi mo makakasama ang binatang itinakda ko sa iyo." Umayos siya ng upo. "Sa pamamagitan ng binigay kong kuwintas sa iyo—"tinuro niya ang suot kong kuwintas. "—nagawa mong maglakbay ng papunta sa panahong ito. Kung hindi ko ginawa ang dapat mangyari sa iyo, sobrang lungkot mo ngayon at nagkatotoo ang sinasabi ng iyong asawa na nagpakamatay ka."

Natigilan ako sa sinabi ni Glenda. "N-Nagpakamatay ako?"

"Oo dahil sa labis na kalungkutan at paghihinagpis."

Naalala ko nga na sinabi sa akin ni Alejandro na nagpakamatay daw ako. Napagkamalan pa niya akong multo noong una kaming nagkakilala. Napagtanto ko na kung hindi binigay sa akin ni Glenda ang kuwintas, marahil ay kasal na ako kay Señor Linares o baka kinitil ko ang aking buhay bago ako ikasal dahil nga sa labis na hinagpis at lungkot. Ngunit paano kung may magawa ako na magiging dahilan para magulo ang relasyon namin ni Alejandro? Baka matulad ako kay Celestine. "Magiging maayos ba ang buhay ko dito?"

Ngumiti siya sa akin na parang alam niya kung ano ang nasa isip ko ngayon. "Kung nag-aalinlangan ka na dumito dahil baka mangyari sa iyo ang nangyari kay Celestine, huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang buhay mo. Basta maging ligtas ka lang palagi at huwag kang lalayo sa asawa mo."

"H-Hindi na ako babalik sa panahon ko?" kinakabahan kong tanong.

"Maaaring makabalik ka sa panahon mo kung iyon ay ninais ng puso mo o ni Alejandro ngunit malaki ang posibilidad na hindi ka na makabalik pa dito. Katulad ng nangyari kina Celestine at Keira. Iba nga lang ang kay Celestine dahil nabago niya ang dapat na nakatakdang buhay nila ni Simoun. Iba  kay Keira at iba rin sa iyo. Sa ngayon, huwag ka lang masyadong lumayo sa asawa mo. May mga bagay na hindi mo alam at siya lang ang nakakaalam nito." hinawakan niya ang aking kamay. "Magiging maayos ang lahat."

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now