Capitulo Vente-Cuatro

2.3K 112 9
                                    



Capitulo Veinte-Cuatro



Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago pinagpatuloy ang hinahalo kong ingredients para sa ibi-bake namin ni Mommy Natalia. Biglang napadalaw si Mommy kaya heto, nagpaturo ako sa kanyang mag-bake ng napakasarap na strawberry cake. Paghahalo pa lang ng ingredients ang ginagawa ko pero parang pagod na pagod ako.

"Okay ka lang ba, Victoria?"

Tumango ako. "Ayos lang po ako. Pagkatapos po nito, anong next na gagawin po natin?"

"Parang maputla ka." Sinalat niya ang aking noo. "Hindi ka naman nilalagnat."

"Sa katunayan po, masakit ang aking ulo. Hindi naman po ako puyat."

"Siguro sa panahon kaya masakit ang ulo mo. Alam mo naman, February na ngayon kaya palapit na ang summer." Kinuha sa akin ni Mommy ang hawak kong bowl. "Siguro kailangan mo na magpahinga." Inalalayan niya ako papunta sa sala. May kinuha pa siyang botelya sa kanyang bag at ipinahid ang laman nito sa akin sentido.

"Mabilis rin po ako mapagod nitong mga nakaraang araw." Dahan-dahan akong humiga sa sofa.

"Ano bang pinapagawa sa iyo ng asawa mo kaya ka nagkakaganyan?"

"Wala naman po, Mommy." Muli akong huminga ng malalim. "Minsan, sumasakit ang likod ko at puson. Hindi ko mawari kung ano po ang dahilan. Sa tingin mo po, kailangan ko na kayang magpatingin sa doktor?"

"Sa tingin ko rin, hija. Hayaan mo bukas sasamahan kita sa kaibigan ko para i-checkup ka bukas."

Ngumiti ako bago pumikit. "Salamat po, Mommy." Hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang pinagbuksan ng aming katulong. Gusto kong matulog upang maibsan itong sobrang sakit ng aking ulo.

"Good afternoon, Mommy!" Boses iyon ni Alejandro.

"Good afternoon din, hijo. Napaaga ka yata ng uwi?"

"Tumakas lang po ako sa kamara para lang makauwi kaagad." Naramdaman ko ang paghagod ni Alejandro sa aking buhok. "Nakatulog po ba si Victoria habang nagkukwentuhan kayo?"

"Kakatulog lang. Masama ang pakiramdam niya kaya humiga muna dito. Minsan daw sumasakit ang likod at puson niya. Tapos masakit ang ulo niya ngayon. Para ngang pagod na pagod."

"Iaakyat ko na lang po siya para makatulog ng maayos." Mayamaya'y binuhat na niya ako kaya dumilat ako.

"Alejandro."

Ngumiti siya sa akin ngunit hindi iyon abot hanggang mata. Malungkot pa rin si Alejandro. Sampung araw na ang nakalipas nang mailibing si Celestine ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagiging masigla.

"Maaari mo na akong ibaba. Kaya ko naman na ang sarili ko."

Hindi niya ako pinansin at pumasok na kami sa aming silid. Dahan-dahan niya akong hiniga sa kama. "Magpahinga ka na." Kinumutan niya ako. Bago pa siya makalayo sa akin, pinigilan ko siya. "Bakit?"

"Pwede bang dumito ka muna, Alejandro."

"May gagawin pa ako sa opisina. Itutuloy ko na doon ang naiwan kong trabaho. Take a rest now, Victoria." Hinalikan niya ako sa noo bago tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya at tuluyan na akong iniwan dito sa loob ng kwarto.

Nakadama ako ng sobrang pagkalungkot. Mas naaapektuhan ako sa ginagawa ni Alejandro. Masyado niyang tinututok ang kanyang atensyon sa trabaho. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ni Celestine kahit hindi naman. Natural lamang ang pagkamatay nito ngunit hindi iyon matanggal ni Alejandro. Sobrang sakit para sa kanya na mawala ang tinuturing niyang bunsong kapatid. Pero ika nga nila, kailangan niyang mag-move on. Hindi matutuwa si Celestine sa ginagawa niya sa kanyang sarili. Tumagilid ako ng pagkakahiga at hindi ko napigilang tumulo ang aking luha.

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now