Capitulo Treinta y Tres

2.3K 112 4
                                    



Capitulo Treinta y Tres



"I had to go now, Mi Amore. Be more careful." Iyon ang huling sinabi ni Alejandro at mabilisan akong hinalikan sa pisngi bago nagmadaling umalis.

Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang aking ginawa. Maaga na namang umalis si Alejandro. Simula nang manalo siya sa eleksyon, halos hindi ko na siya makita, Minsan nga'y hindi ko na siya naaabutan pagkagising ko sa umaga. Sobrang dami na niyang ginagawa kasama na ang preparasyon para sa panunumpa niya sa pagiging Presidente ng Pilipinas. Maski ako ay hinahanda rin nila dahil ako raw ang bagong first lady ng Pilipinas. Lahat ng tao ay nakabantay rin sa mga gagawin ko sa oras na opisyal na sa pagiging presidente si Alejandro.

Minsan ay dumadaan sa isipan ko, nakakatulog pa ba si Alejandro sa gabi dahil nauuna na ako sa kanyang matulog. Gusto ko mang hintayin siya na dumating ngunit hindi ko na magawa pa.

Muli akong napabuntong hininga. Kung marami siyang gawain habang papalapit na ang araw ng pagiging president niya, paano pa kaya kung siya na mismo ang president ng Pilipinas? "Tiyak na hindi na kami magkikita pa." Inusog ko ang pinggang kinakainan ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Tumayo na ako at nagmadaling maglakad palabas ng bahay.

"Ma'am Victoria."

Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Don. Ito na ang iniatas ni Alejandro na magbantay sa akin. Tunay naman kasing mapagkakatiwalaan ito.

"Saan po kayo pupunta?"

"Gusto ko munang maglibot dito sa labas." Binaling ko ang tingin ko sa gate. "Sa labas mismo ng gate na ito. Gusto kong makakita ng iba pang bagay bukod dito."

"Ma'am Victoria, hindi po pwede. Maraming reporter sa labas. Baka mapahamak kayo sa oras na dumugin nila kayo."

Napahawak ako sa tiyan ko na nasa limang buwan na. Halatang-halata na ang laki ng tiyan ko kaya medyo mabilis na akong hingalin. Muli akong napatingin sa gate at napansin ko ang mga taong panaka-nakang sumusilip sa amin. Naglakad na lang ako papunta sa hardin. Hindi talaga ako makakalabas nito.

"First lady Victoria."

Napalingon ako kay Lyca. Siya in-assign ni Alejandro bilang aking personal assistant. "Bakit Lyca?"

"Mrs. Cervantes just called and she want you to remind that you have a lunchdate with her."

Tumango ako. Kagabi pa sinabi ni Mommy Natalia na sabay kaming magtanghalian ngayong araw sa bahay nila. Alam ito ni Alejandro at pumayag naman siya. Wala rin naman si Rica kaya kampante akong pupunta sa bahay ng aking mga magulang. "Ano pa?"

"You have interview later to Gracie Sanchez. Mamayamaya nandito na po sila."

"Alam ba ito ni Alejandro?"

"Yes, First Lady."

Lihim akong napangiwi sa pagtawag sa akin ni Lyca na 'First Lady'. Nakakailang na ganoon ang tawag niya sa akin. Maaari namang 'Ma'am' o hindi kaya 'Mrs. Navarroza'. Bakit first lady pa?

"Kaya po kailangan mo na pong ayusan. Dumating na po ang makeup artist na galing sa Behind The Successful Man." May inabot siya sa akin na isang bondpaper. "Iyan po ang mga itatanong nila sa iyo."

Inumpisahan ko nang basahin ang mga itatanong nila sa akin. Puros tungkol sa pagsasama namin ni Alejandro ang mga tanong. "Ano bang palabas ito sa telebisyon? Hindi ko alam ito dahil hindi naman ako mahilig manood ng TV."

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now