Capitulo Ocho

4.5K 194 29
                                    




Capitulo Ocho



"Saan tayo pupunta, Alejandro?" Tanong ko kaagad sa kanya pagkapasok niya ng kotse. Dapat ay may klase ako ngayon kay Binibining Angela ngunit iyon ay pinakansela ni Alejandro. Nais ko pa namang pagtuunan ng pansin ang asignaturang Science o Agham dahil napakahirap intindihan ang ibang terminolohiya nito parang asignaturang Matematika. "Bakit tila ang dami ata nating dadalhin?"

"Basta. Malalaman mo mamaya."

Naguguluhan man sa kanyang sinabi ay hindi na lamang ako umimik. Ngayon lamang ulit kami nagkasama ni Alejandro dahil ilang araw rin siyang hindi umuuwi. Ang sabi niya ay may tinatapos lamang daw silang trabaho.

"Gamitin mo ito." Inabot sa akin ni Alejandro ang isang cellphone. "Nandyan na ang number ko. Kapag may problema ka, tawagan mo kaagad ako. Kapag may hindi ka maintindihan sa paligid mo, tawagan mo kaagad ako. Kapag gusto mo akong makausap, huwag kang mahihiyang—"

"Tawagan ka." Pagpapatuloy ko. "Ngunit hindi ako marunong gumamit ng ganitong bagay."

"Tuturuan kita. Ganito 'yan, ang cellphone na ito ay isang touchscreen phone. Hindi na siya de pindot kaya madaling gamitin..."

Napako ang tingin ko sa makisig na mukha ni Alejandro. Minsan ay naisip ko, ilang binibini ang umibig sa ginoong nasa tabi ko? Ilang sa kanila ang kanyang napaiyak? Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha.

Tumingin siya sa akin. "May hindi ka ba naintindihan sa sinabi?"

Marahan akong umiling. Kinuha ko ang cellphone sa kanya at ipinasok ko sa loob ng dala kong purse. "Pangako, palagi kitang tatawagan."

Ngumiti siya at tumango sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. Lumapat ang kanyang labi sa likod ng aking palad. Nasasanay na ako sa palaging paghawak ni Alejandro sa aking kamay. Sa tuwing tinitingnan ko na magkahawak ang aming kamay, tila ba napakaperpekto nito sa isa't isa.

Habang kami'y bumabyahe ay panaka-nakang nagkukwento si Alejandro. Tila tinatantya niya kung magiging ayos lamang para sa akin ang mga paksang nais niyang ibahagi sa akin.

"Ngayon ka lamang umuwi at hindi ka man lang nakapagpahinga. Bakit labis na ata ang iyong pagtatrabaho?"

"May gusto kasi akong isulong na batas."

"Batas? Anong batas ang nais mong isulong?"

"Ang pag-aralan sa eskwelahan ang Babayin."

"Babayin? Pag-aaralan ko rin ba iyan?"

Marahan siyang tumawa. "Ang Baybayin ay alpabeto na ginagamit ng mga Pilipino noon bago pa masakop ng mga Español ang Pilipinas." Umayos siya ng upo at sinalubong ang aking mga mata. "Gusto kong mahalin muna ng mga kabataan ngayon ang sarili nating alpabeto bago ang alpabeto ng ibang bansa. Kung titingnan naman mas matutuwa silang pag-aralan ang Baybayin. Pinag-aralan ko nga 'yan noong nasa highschool pa lang ako. Unique siya para sa akin, walang katulad ang alpabeto natin. Iyon ang nais kong iparating sa mga kabataan. Marami na kasi sa kanilang nakakalimot na sa kung anong mayroon ang bansa natin. Alam mo bang maraming estudyante na hindi masyadong interes sa kasaysayang mayroon tayo? Simpleng title pa nga lang ng pambansang awit, namamali pa sila. May mga kabataan rin na parang walang pinag-aralan. Kung makapagmura sa daan, wagas."

Nakadama ako ng lungkot dahil sa mga sinabi ni Alejandro.

"May iba naman parang wala nang ibang inisip kundi ang pakikipagrelasyon, bisyo at iba pa. Iba na talaga ang mga Millennial ngayon. Millennial din naman ako kaso iba itong nakikita ko sa kabataan. Minsan nalulungkot ako dahil parang bumabaluktot ang paniniwala ni Dr. Jose Rizal na 'ang kabataan ang pag-asa ng bayan' dahil mismong kabataan na ang sumisira sa bayan. Gusto kong imulat sa mga kabataan na dapat ay magpakatino na sila dahil sila ang magpapaangat sa bansa natin. Dapat mahalin nila ang sariling atin bago ang gawa ng ibang bansa. Dapat hindi naghihilahan pababa bagkus dapat ay nagtutulungan makaangat. Makakayang bumangon ng Pilipinas basta nagtutulungan."

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now