Capitulo Veinte-Nueve

2.3K 118 4
                                    



Capitulo Veinte-Nueve




Masaya kaming nagkukwentuhan ni Alejandro habang naglalakad kami palabas ng bahay. Ngayon ang araw na magpapatingin ako sa doktor upang malaman kung kumusta na ang kalagayan ng anak namin dito sa aking sinapupunan. Pinakansela pa ni Alejandro ang lahat ng meeting at appointment para lamang masamahan ako. Napagkasunduan din naming dalawa na sa susunod na taon na lamang ako papasok sa escuela para maasikaso ko ang anak namin.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Rica na susuray-suray na naglalakad papalapit sa amin. Tila ba'y sobrang lasing nito. "Alejandro." Tinuro ko si Rica.

Kaagad namang napatingin si Alejandro kay Rica. "Oh, Erica, bakit ka nandito?"

"Ale!" Nagmadaling lumapit si Rica sa amin at kaagad na niyakap ang aking esposo. Nabitawan ni Alejandro ang aking kamay.  "How are you, Ale?"

Nalukot ang ilong niya at pilit na lumalayo kay Rica. "Ano ba 'yan, Rica? Bakit ka lasing?"

"Hindi ako lasing. Nakainom lang pero hindi ako lasing." Pilit pa rin nitong yumayakap kay Alejandro.

Huminga ako ng malalim. Tunay nga'ng lasing si Rica kaya hindi na nito alam ang mga pinaggagawa. "Rica, kailangan mo na umuwi."

Sinamaan ako nito ng tingin. "Huwag ka nga'ng sumabat sa usapan namin ni Ale."

"Rica!" May babala sa tono ng boses ni Alejandro. "Aalis na kami ni Victoria."

"Huwag na kayo umalis. You know what? Manood tayo ng movie. There's a new romance-comedy movie in the cinema."

"Lasing ka na, Rica. You need to rest. Kailangan na naming umaling ni Victoria."

"Sasama na lang ako. Saan ba kayo pupunta?"

"Magpapa-checkup ako. Hindi pwede ang lasing doon." Ako na ang sumagot sa tanong ni Rica.

"Hindi nga ako lasing. C'mon, magpapa-checkup ka lang naman pala eh. Hindi mo na kailangan pa si Ale. I need him more."

"Mas kailangan ko ang esposo ko." May diin ang bawat pagbigkas ko. Hindi na ako natutuwa sa babaeng ito. "Lasing ka lang at ako naman ay buntis kaya mas kailangan ng magiging anak naming si Alejandro kaysa sa iyo."

"Victoria."

"Ha! Wala ka naman sa kalagayan na iyan kung hindi ka lang dumating sa buhay ni Ale. Malandi ka, mang-aagaw.

Lalong uminit ang dugo ko sa babaeng ito. "Anong sinabi mo?"

"Victoria, huwag mo nang—"

"That you're a whore."

Hindi ko napigilan ang aking sarili na sampalin si Rica. Wala siyang karapatan na sabihan ako ng ganoon. Ang kapal ng mukha! Kung tutuusin, sa aming dalawa siya ang may planong mang-agaw ng asawa.

"How dare you?" Bigla akong tinulak ni Rica. Mabuti na lang at nasalo kaagad ako ni Alejandro. "Mamatay na sana 'yang pinagbubuntis mo!"

"Rica!" Dumagundong sa buong bahay ang sigaw ni Alejandro. Naiiyak naman ako dahil muntik nang mapahamak ang bata sa sinapupunan ko dahil kay Rica.

"A-Ale."

"Anak ko rin ang sinasabihan mong mawala na. Sa lahat ng tao, ikaw pa talaga ang magsasabi nito sa amin." Niyakap ako ni Alejandro.

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now