Capitulo Doce

3.8K 145 28
                                    



Capitulo Doce




"Good morning!"

Lumingon ako sa gawi ng pinaggalingan ng boses na may ngiti sa aking labi. "Good morning, Alejandro." Ganting bati ko bago ipatong sa mesa ang niluto kong agahan. "Paumanhin kung hotdog at bacon lang ang naluto kong ulam para sa almusal. Tinaghali na kasi ako ng gising dahil napuyat ako sa binabasa ko kaya hindi na ako nakapaghanda ng breakfast para sa iyo."

Umupo sa kabisera ng mesa si Alejandro. "Tama ba ang naririnig ko ngayon?"

"Na ano?" Umupo ako sa kalapit na upuan.

"Na binati mo ako gamit ang English language."

Lalo akong napangiti. "Ah, iyon ba? Nais ko lamang sanayin ang aking sarili na magsalita ng lengwahe na iyon dahil karamihan ng mga tao sa panahong ito ay nagsasalita ng Ingles. Minsan ay pakiramdam ko'y parang may kung ano sa akin sa tuwing may kausap akong ibang tao at purong tagalog ang aking binibigkas."

"Magandang bagay na rin iyan. Don't worry, nag-aaral na rin ako ng Spanish language para sa iyo."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman para sa akin?"

"Ayoko kasing makita ka na nahihirapang pigilan ang sarili na magsalita ng Spanish dahil alam mong hindi ka maiintindihan ng mga tao. Marunong naman akong magsalita ng Spanish noon kaso hindi ko na maalala masyado dahil wala naman akong makakausap na gamit ang salitang iyon. Ngayon, magagamit ko na siya nang dahil sa iyo."

"Salamat, Alejandro." Nilagyan ko muna ng bacon ang pinggan ni Alejandro bago ako nagsimulang kumain. Nakakataba ng puso nang malaman kong pag-aaralan muli ni Alejandro ang wikang Español para lamang sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na ngumiti habang kumakain.

"Uhm, Victoria."

"Hmn?"

"May gagawin ka ba buong maghapon?"

Huminto akong kumain at napaisip ako sa gagawin ko buong maghapon. "Wala akong klase ngayon. Marahil ay magluluto mamayang tanghalian at ipagpapatuloy ko lang ang binabasa kong libro. Ayaw naman ng mga criada mo na tulungan ko silang maglinis ng bahay kaya iyon lang ang maaari kong gawin buong maghapon. Bakit?"

"Gusto mo bang mamasyal ngayon?"

"Kung pagbibigyan ako ng pagkakataon, syempre oo. Halos apat na buwan na akong nandito sa panahon ninyo ngunit kakaunting lugar pa lang ang napupuntahan ko."

"Gusto mo bang mamasyal tayo?"

"Ngunit may pasok ka ngayon, hindi ba? Paano ang trabaho mo ngayon?"

Umayos ng upo si Alejandro at uminom ng tubig. "Pwede naman akong um-absent ngayon. Sa ilang taong nagtrabaho ako bilang senador, ngayon lang ako a-absent. Ano? Gusto mo bang mamasyal tayo ngayon?"

"Ngunit—"

"Pagkatapos mong kumain, maligo ka na kaagad. Okay?"

Napilitan akong tumango. Oo, nakakadama ako ngayon ng kasiyahan dahil mamamasyal kami ni Alejandro ngayon ngunit nag-aalangan rin ako dahil may trabaho siya ngayon. Isang trabaho sa gobyerno na mahirap talagang lumiban. Mamaya ay makakaabala pa ako sa kanya.

Nang matapos akong kumain ay kaagad akong pinaakyat ni Alejandro. Binilisan kong maligo at mag-ayos ng sarili. Simpleng puting bestida ang pinili kong suotin. Inilugay ko naman ang aking buhok at ang sinasabi nilang doll shoes ang pinili kong suotin. Nang masiguro kong ayos na ang aking itsura ay bumaba na ako. Napangiti ako nang makita ko si Alejandro sa salas. Medyo naninibago lamang ako sa ayos niya dahil parang simpleng tao lamang siya ngayon. Kausap rin niya ngayon si Don. Katulad ni Alejandro ay simple lanh rin ang ayos ni Don. Hindi ito mapagkakamalang tagabantay ni Alejandro. Para lang silang magkaibigan.

La Señora desde el EspejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon