Capitulo Treinta y Nueve

2.6K 127 11
                                    



Capitulo Treinta y Nueve




"Ate."

Nilingon ko si Manuel bago ko ibalik muli ang aking tingin sa mga bulaklak na inaayos ko. Ilang linggo na ang nakalipas nang nakabalik ako rito. Tila ang daming nangyari na hindi ko alam kung paano nangyari. Maraming nagbago. Tulad nang wala ang dating sigla ng bahay. Wala ring mga criada na nag-aasikaso dito.

"Anong nangyari dito, Manuel? Bakit ikaw lang mag-isa dito sa bahay?" Hindi pa ako nakakalabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit tila may pumipigil sa aking lumabas. "Nasaan na ang mga criada natin?"

"Pinaalis ko na sila, Ate, noong pumanaw sila Mama't Papa. Gusto ko kasing mapag-isa."

Marahan akong tumango. Sa ilang araw ko dito sa bahay, unti-unti kong naaalala ang mga nangyari sa akin bago ako bumalik dito. Nakakapagtaka lamang dahil iba ang mga kasuotan ko doon. Alam kong nasa Pilipinas ako pero iba iyon. Tila ba nasa isang modernong lugar ako ng mga panahong iyon. Naikukwento ko iyon kay Manuel. Ang sabi niya sa akin ay wala pang ganoong lugar dito sa Pilipinas. Mariin akong pumikit nang may mga alaalang pumasok sa aking isipan. "Alejandro..."

"Ilang beses ko nang narinig ang pangalan na iyan mula sa iyo. Sino ba siya, Ate?"

Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "Hunyo nang araw na iyon. Tila may fiesta dahil nagkakasiyahan ang mga tao sa paligid. Biglang tumagos ako sa isang espejo at siya ang sumalo sa akin. Hindi mawawala sa aking isipan noong makita ko ang kanyang mukha. Akala ko'y isang anghel ang sumalo sa akin. Inasikaso niya ako sa mga biglaang pangyayari na hindi ko maintindihan kahit pa napagkamalan niya akong multo ng gabing iyon." Marahan akong tumawa. "Siya ang nasa tabi ko noong mga panahong iyon." Napasapo ako sa dibdib ko sa pagsabog ng sakit dito sa aking puso. Sunod-sunod ang pagdaloy ng mga alaala sa isipan ko. Tila mga senaryong bigla na lang lumabas. "Siya ang tumulong sa akin. Matiyaga niyang pinapaliwanag ang mga bagay na hindi ko maintidihan. Buong puso akong tinanggap at inalagaan. Ang nagpapasaya sa akin at ang kumukumpleto ng araw ko." Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking pisngi.

"Ate..."

"Isa siyang senador noong nakilala ko siya. Pangarap niyang maging pinuno ng ating bansa."

Umupo sa tabi ko si Manuel. "Isa ba siyang Español? Tanging hinalal lang ng hari ng España ang pwedeng maging Gobernador Heneral."

Umiling ako. "Hindi siya Español. Pilipino rin siya. Isang napakakisig at maginoong Pilipino. Doon, malaya na ang bansa natin. Malaya na tayo. Tiyak ako doon." Napayuko ako. "L-Labis ko siyang iniibig, Manuel."

"Ate..." Hinawakan ni Manuel ang aking kamay. "Kasintahan mo ba siya?"

Dahan-dahan ako ng umiling. "Hindi."

"Kung hindi, sino siya sa buhay mo?"

"A-Asawa ko siya." Halos pabulong kong sagot.

"Asawa!" Bakas sa boses ni Manuel ang labis na pagkagulat. "Kung gayon, dapat ko siyang makilala."

Sunod-sunod akong umiling. "Hindi mo siya makikita o makikilala man lang sa personal. Hinding-hindi, Manuel."

"B-Bakit?"

Sinalubong ko ang tingin ni Manuel. "Dahil nasa iba siyang panahon. Wala siya dito."



La Señora desde el EspejoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt