Capitulo Sais

4.6K 205 35
                                    



Capitulo Sais



Pagulong-gulong lamang ako sa hinihigaan ko. Sobrang lalim na ng gabi ngunit hindi ko pa rin magawang matulog. Baka maunahan pa ako ng mga kwagong makatulog kung saka-sakali lang. Masyadong okupado ang aking isipin. Hindi mawaglit ang ginawang paghalik ni Alejandro sa aking mga labi. Iyon ang aking unang halik! Oo, inaamin kong naniniwala na ako sa tamis ng unang halik ngunit ito'y hindi magandang bagay. Ang gusto ko ay ibibigay ko sa aking kasintahan na labis kong minamahal ang aking unang halik ngunit iyon ay ninakaw ni Alejandro.

Mariin akong pumikit at hinaplos ko ang aking mga labi. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko rin ang paghalik niya sa akin at bakit bumilis ang tibok ng aking puso. Dapat ay hindi ko ito nararamdaman. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Kailangan kong magpahangin kahit doon lamang ako sa azotea upang magawang maiwaglit sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Dahan-dahan lamang akong lumabas ng aking silid upang hindi ko na maambala ang mga kasama ko sa bahay. Nang makarating na ako sa azotea ay umupo ako sa silyang tumba-tumba.

Dinama ko ang simoy ng hangin. Bukas ng umaga na ang balik namin sa Maynila dahil maraming naiwang trabaho si Alejandro doon. Ayon sa kanya ay mahirap daw maging isang senador. Ang pinakatrabaho daw nila ay mag-isip ng mga batas na talagang makakatulong sa ikagaganda, ikauunlad at kapayapaan ng mga mamamayan. Isang bagay na napakahirap na gawin!

Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Alejandro. Syempre nakakailangan makausap ang taong nagnakaw ng unang halik. Para akong masisiraan ng bait dahil sa kanya. Hindi ko naman aakalaing gagawin niya iyon at talagang nagulo niya ang buong sistema ko. Napasabunot ako sa aking sarili. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Sumandal ako sa aking kinauupuan.

"Victoria?"

Agad akong pumikit upang magpanggap na natutulog. Mas mainam na ganito ang aking gawin.

"Victoria—tulog na pala siya. Bakit dito ka natulog? Hindi mo ba alam na pwede kang kagatin ng lamok? Ayoko nga'ng makagat ka ng lamok dahil delikado 'yon. Uso pa naman ang dengue virus ngayon..." Tila naninermon si Alejandro sa isang taong kahit alam niyang hindi naman siya naririnig dahil tulog ay patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Dahan-dahan niya akong binuhat. Hindi ko mawari kung bakit sobrang bilis ng tibok ng aking puso ngayon. "Siguro, nami-miss mo na ang pamilya mo kaya dito ka na sa azotea natulog?"

Nami-miss? Ayon sa aking mga nababasang librong kwento tungkol sa pag-ibig, wikang Ingles ito na may dalawang kahulugan. Una ay ang pangungulila sa isang tao at ang pangalawa ay pagtawag sa isang babaeng walang asawa. Base sa sinabi ni Alejandro, tungkol ito sa pangungulila ko sa aking pamilya na siyang totoo. Mayamaya ay naramdaman kung pumasok kami sa isang silid.

"Mahirap talagang malayo sa pamilya lalo na't mahigit isang daang taon ang layo ninyo." Inihiga niya ako sa isang kama. "Huwag kang mag-alala, habang nandito ka sa panahon namin, hindi kita pababayaan. Lahat gagawin ko, maprotektahan ka lang. I will give everything you like just to make you happy." Binigyan niya ako ng isang magaang halik sa aking noo. "Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo, Victoria." Umalis na siya sa aking tabi. "Magandang gabi sa iyo. Sana'y maging maganda ang panaginip mo."

Nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan, agad akong bumangon. Napasapo ako sa aking dibdib. Ang bilis talaga ng tibok nito. Napatingin ako sa pintuan. Labis akong nasiyahan sa sinabi ni Alejandro kahit na hindi ko naintindihan ang iba niyang sinabi. Nagawa pa rin ng mga salitang iyon na pagaanin ang aking loob.

Maaga akong nagising kinabukasan upang masiguro ko kung maayos lahat ng aking gamit. Dinala ko rin ang niregalo sa aking kuwintas ni Kuya Matias. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng aking silid. Pagpasok ko sa komedor ay agad din akong tumalikod nang makita ko si Alejandro na kumakain ng almusal.

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now