Capitulo Treinta y Siete

2.4K 106 11
                                    




Capitulo Treinta y Siete



"Ma'am Victoria!"

Napahinto ako sa dapat na pagbukas ng pintuan ng opisina ni Alejandro dahil sa biglang pagharang ni Mira. "Bakit Mira?"

"Wala po si Mr. President sa loob."

Kumunot ang noo ko. "Sigurado ka? Nag-message siya sa akin kanina na puntahan ko raw siya dito ng ganitong oras."

"Kakaalis lang po ni Mr. President. May biglaang meeting po siya."

"Baka sandali lang siya. Hihintayin ko na lang siya sa loob."

"No, Ma'am. The meeting is about the problem in the Mindanao. For sure po na mahaba-habang usapan iyon."

"Ayos lang iyon sa akin. Hihintayin ko pa rin siya."

"Ma'am, hindi po talaga kita maaaring papasukin sa loob hangga't wala pa po si Mr. President. I'm sorry po," sabi niya. "Rule po kasi iyon dito."

Hindi ko napigilang tumaas ang aking kilay. Siguro nga'y bawal akong pumasok sa loob ng opisina hangga't wala si Alejandro. Ngunit bakit ang dating sa akin ng pagbabawal sa akin ni Mira na pumasok ay iba. Napailing ako. Ginagawa lang ni Mira ang kanyang trabaho. Ngumiti ako sa kanya. "Ganoon ba? Hindi na ako magpipilit pa na pumasok sa loob. Pakisabi na lang kay Alejandro na pumunta ako dito."

"Maaasahan mo po, Ma'am."

Tinanguhan ko lang siya bago umalis. Sa tingin ko'y hindi ko na naman makakasabay kumain ang esposo ko. Mahirap palang maging asawa ng isang presidente. Kahati ko sa atensyon niya ang bansang pinamumunuan. Nagsisimula na akong magselos sa bansang Pilipinas kahit hindi naman maaari.

"First Lady."

Nilingon ko si Lyca. "Bakit, Lyca?"

"N-Nasa lobby po si Miss Erica San Diego."

"Sabihin mo, hindi ko siya makakausap. Masama ang pakiramdam ko." Lumiko ako ng daan imbes na pabalik ako sa north wing ng palasyo.

"First Lady, bawal po kayong pumunta sa ibang lugar. Baka biglang sumugod dito si Mr. President para sunduin kayo."

Hinarap ko ang mga nagbabantay sa akin. "Maglalakad-lakad lang naman ako saglit at babalik din naman ako. Hindi na ninyo pa kailangang sabihin kay Alejandro." Tinalikuran ko sila. Nakahawak ako sa likod ko habang naglalakad. "Puntahan mo na ang pinsan ko. Sabihin mo ang pinapasabi ko."

"Pero—"

"Bilisan mo."

"First Lady, hindi po siya aalis hangga't hindi ka niya nakakausap. Nandoon din po ang mother ninyo po."

Napasinghal ako at nagmadaling pumunta sa tinitirhan ko. Nakadama ako ng inis sa aking ina. Alam naman niya na ayokong makausap o makita si Rica dahil sa ginawa sa akin nito noon. Bakit pinagpipilitan pa rin niya na pag-usapan kaming dalawa?

"F-First Lady—"

"Sabihin mo sa head of security na sa susunod, huwag nang papasukin dito si Erica San Diego. Ban dito ang babaeng 'yan. Naiintindihan mo ba, Lyca?"

"Opo."

Hindi ako nakangiting pumasok sa loob na eksaktong nakita ko kaagad ang aking ina at pinsan. "Magandang hapon, Mommy." Umupo kaagad ako sa upuan. "Bigla akong nauhaw, Lyca. Pwede bang kuhaan mo ako ng tubig? Salamat." Tinanguhan ako ni Lyca bago umalis. "Nasorpresa ako sa biglaang pagdalaw mo, Mommy, at masaya akong makita ka."

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now