Capitulo Dos

5.8K 265 32
                                    

Capitulo Dos



"Glenda!" niyakap ko siya ng napakahigpit. Ilang taon ko ba siyang hindi nakita? Marahil ay limang taon. "Kumusta ka na?"

"Mabuti naman. Ikaw kaagad ang una kong pinuntahan, pagkadating na pagkadating ko dito sa San Pablo."

"Nakakataba ng puso ang iyong mga sinabi. Ang tagal nating hindi nagkita at talagang napakasaya kong makita kang muli." hinawakan ko ang kanyang kamay. "Alam mo namang isa ka sa mga bilang kong kaibigan at talagang nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal na nakita kitang muli."

"Masaya akong makita rin kitang muli."

Hinila ko siya papalayo sa aming bahay. Gusto kong makausap ng matagalan ang aking kaibigan. "Nasaan ka nitong mga nakaraang taon?"

"Pumunta ako sa iba't ibang parte ng Filipinas at sa ibang bansa na rin."

Bumuntong hininga ako. "Mabuti ka pa't natupad ang nais mo. Ako, hanggang dito na lamang sa San Pablo o hindi kaya'y minsan ay sinasama ako ni Mama papuntang Maynila. Kailan kaya ako makakalibot katulad sa iyo?"

Ngumiti sa akin si Glenda at marahan akong tinapik sa balikat. "Matutupad rin iyan."

"Sana'y magdilang anghel ka."

"Hayaan mo, mangyayari iyan. Ay oo nga pala! May regalo ako sa iyo. Pambawi ko sa ilang taong wala ako dito sa araw ng iyong kaarawan."

Pinagmasdan ko si Glenda. Parang hindi nagbaho ang kanyang mukha. Iyon at iyon pa rin. Nakakatuwa naman kahit papaano ay may kaibigan akong makakasama ngayon. Nabawasan ang kalungkutang aking nararamdaman.

"Heto!" may pinakitang kuwintas sa akin si Glenda. Napakaganda! May isang colgante na hindi ko alam kung anong tawag sa disenyo. "Para sa iyo ito." inabot niya ang aking kamay at nilagay ang kuwintas. "Isang bituin ito," tinuro niya ang colgante ng kuwintas. "Matutupad ang iyong hiling na matagal mo nang minimithi."

Umangat ang tingin ko. "Sa tingin mo'y matutupad iyon?"

Tumango siya. "Oo naman."

Para akong tinubuan ng pag-asa sa sinagot ni Glenda. Nais kong matupad ang matagal ko nang minimithi. Marahan kong hinaplos ang kuwintas. Pakiramdam ko'y para sa akin ang aksesoryang ito.

"Ano bang hiling ang matagal mo nang minimithing matupad?"

Nakadama ako ng kilabot sabay ng paghangin ng malakas. Bumaling ang tingin ko kay Glenda na abot tenga ang kanyang ngiti. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa pamamaraan ng pagtingin niya sa akin. Nakakakilabot. "Ang makalayo ako dito't makilala ko ang binatang magmamahal sa akin tulad ng pagmamahal ni Señor Gabriel kay Señorita Keira."

"Isang wagas na pag-ibig ba ang nais mo?"

Marahan akong tumango sabay ng malalim kong pagbuntong hininga. "Alam kong imposibleng mangyari iyon dahil ikakasal na ako kay Señor Linares?"

Kinuha niya ang kuwintas. "Isusuot ko ito sa iyo." tumalikod ako kay Glenda. Isinuot niya kaagad sa akin ang kuwintas kaya humarap na ako sa kanya. "Hayan! Bagay sa iyo." hinawakan niya ang aking kamay. "Gusto mo bang matupad ang hiling mo?"

Pagak akong tumawa. "Oo naman. Sino namang tao na hindi nanaiising matupad ang kanyang hiling?"

"Kung ganoon, matutupad ang iyong hiling basta ipaglaban mo ang iyong karapatan." marahan niyang hinaplos ang aking mukha. "Makakaalis ka sa lugar na ito."

Hindi ko alam kung bakit nakakakilabot ang ngiti ni Glenda. Parang hindi siya ang aking kaibigan. Para siyang ibang tao.

"Señorita Victoria!"

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now