Capitulo Once

3.6K 142 20
                                    



Capitulo Once



"Tell about yourself, Victoria."

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain at uminom ng tubig. Nakakatuwang napakaraming inihandang pagkain ang mag-asawang Cervantes. Pawang mga paborito kong pagkain kaya napaparami ang kain ko ngayon. "Wala po akong maikukwento sa inyo, Senator—"

"Tito Inno na lang, hija."

Ngumiti ako. "Tito Inno. Katulad nga po ng aking sinabi kanina ay wala po akong makukwento sa inyo dahil hindi naman po interesante ang aking buhay."

"Lahat ng buhay ng tao ay interesanteng pakinggan. Huwag ka na mahiya, hija. Kahit kaunti lang na parte ng buhay mo ang maikwento mo ay ayos lang sa amin ng Tita Natalie mo."

Bigla akong tumingin kay Alejandro. Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil hindi ko naman pwedeng ikwento ang buhay na mayroon ako sa aking panahon.

"Ninong Inno, ang masasabi ko sa inyo ay maganda naman ang buhay niya. She have a simple—"

"Hijo, hindi naman ikaw si Victoria. Bakit ikaw ang nagkukwento? I want to know what life she have."

"But—"

Hinawakan ko ang kamay ni Alejandro at binigyan siya ng isang ngiti. Pinapaalam ko na lamang na ako na ang bahala. "Senator—"

"Tito Inno na lang, hija."

"Tito Inno." Matipid akong ngumiti. "Tatlo po kaming magkakapatid at ako lamang ang babae sa amin."

"Ang iyong magulang?"

"Ano po..." Yumuko ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Sa panahong ito'y isa na lamang na alaala ang aking pamilya ngunit ayokong isipin na wala na sila.

"Ninong Inno, huwag mo nang itanong ang tungkol sa pamilya ni Victoria."

"Hijo, inuulit ko, hindi naman ikaw—"

"Darling, hayaan na natin si Victoria. Sa tingin ko, hindi pa siya handang ikwento ang tungkol sa pamilya niya." Nginitian ako ni Tita Natalia. "Mamaya ay ipapakita ko sa iyo, hija, ang mga collection ko ng books katulad ng ipinangako ko sa iyo noon."

Nanlaki ang aking mga mata. "Ako'y nasasabik na makita ang iyong mga koleksyong libro, Tita Natalia."

Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Tita Natalia. Ipinagpatuloy kong kumain. Tungkol sa politika ang pinag-uusapan nina Alejandro at Senator Cervantes—Tito Inno. Minsan ay sumasali sa usapan si Tita Natalia. Ako naman ay taimtim lamang na nakikinig sa kanila. Talagang naiiba ang panahong ito. May karapatan na sa lahat ng bagay ang mga kababaihan. Nalaman ko na may namuno na rin palang babae sa bansang ito. Nakakatuwa. Ayon kay Alejandro ay tatlong babae ang tatakbo ngayon sa posisyon bilang senador at malaki raw ang tsansang sila ay manalo dahil magaganda raw ang mga nagawa nila sa bansa.

"Saan kayo nagkakilala?"

Nagkatinginan kaming dalawa. "Sa Luneta po, Tita Natalie." Sagot ni Alejandro.

Nanlaki ang aking mata nang may bigla akong maalala. "Hindi ba't Bagumbayan ang Luneta? Bakit naging isang pasyalan ang lugar na iyon kung doon ginaganap ang paghatol sa isang  malaki ang kasalanan lalo na kung ito'y nahatulan na pilibustero o erehe?"

"Victoria, noon iyon. Binago na ang pangalan ng Bagumbayan. Makikita mo na doon ang monumento ni Doctor Jose Rizal."

"Si Señor Rizal?"

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now