Capitulo Diecinueve

2.6K 114 8
                                    



Capitulo Diecinueve



Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagngiti. Sobrang saya ang nararamdaman ko dahil katatapos lamang ng seremonyas ng aming kasal. Hindi ko naman aakalaing na pagkatapos namin magsimba ni Alejandro ay hihilahin niya ako sa kaibigan niyang isang Supreme Chief Justice at mismong araw ng pasko pala kami magpapakasal. Hindi man lang ako nakapaghanda dahil sobrang simple lang ng ayos ko ngayon. Pinahiram na nga lang ako ng esposa ng kaibigan ni Alejandro ng isang ng puting belo. Kaya pala bumili ng siya ng isang bungkos ng puting rosas bago kami pumunta sa simbahan.

Ayos lamang sa akin na isang simpleng kasal lang ito. Ayoko naman ng isang magarbong kasalan na katulad ng ginagawang pagpaplano ng aking mga magulang. Sadyang nabigla lang ako kaya hindi ako makapaniwalang esposa na ako ni Alejandro.

Napatingin ako sa suot kong singsing. Nakasal ako sa ginoong hindi ipinilit sa aking pakasalan. Na tinanggap ko ito ng buong puso.

Kasal ng isang tunay na nag-iibigan.

Napangiti ako sa ideyang kinasal ako sa ginoong minamahal ko ng tunay. Nilingon ko si Alejandro nang hawakan niya ang aking kamay. Nginitian niya ako kaya gumanti ako ng ngiti.

"Ayos ka lang ba?"

Sunod-sunod akong tumango. "Oo naman. Ano kayang sasabihin ng pamilya mo sa oras na malaman nilang kasal na tayo?" Bumabyahe kami ngayon papunta sa bahay ng pamilya ni Celestine dahil doon naman na daw gaganapin ng pamilya nila ang selebrasyon sa araw ng kapanganakan ni Hesus.

"Matutuwa sila dahil sa wakas nagpakasal na ako."

"Paano kung hindi sila matuwa lalo na kung iniisip nilang kayo ni Rica sa huli?"

"Hindi 'yon. Alam nilang hindi kami aabot doon. Hanggang pagkakaibigan lang kaming dalawa." mahina niyang pinisil ang aking kamay. "Huwag kang mabahala."

Huminga na lang ako ng malalim bago humilig sa balikat niya. Nag-aalinlangan akong makilala ang ibang kamag-anak ni Alejandro dahil hindi ako ang babaeng inaasahan nila na magiging esposa niya.

Napatingin ako sa labas nang dumaan kami sa isang tarangkahan. Mukhang nandito na kami. May mga nakikita na rin akong nakaparadang kotse. Ibig sabihin ay marami nang bisita sa bahay nila Celestine. Huminto ang sinasakyan namin hindi malayo sa bahay. Pagkalabas ko ng kotse ay rinig ko na ang mga nag-aawitan at nagkakasiyahan.

"Pumasok na tayo sa loob." Muling hinawakan ni Alejandro ang aking kamay at marahan akong hinila papasok ng bahay.

Kumabog ang aking dibdib nang kami'y makapasok na't nagsihintuan ang mga tao sa kanilang ginagawa, matamnam kaming tinitingnan—lalo na sa akin—na tila ba'y may mga multong nakita. Kumapit ako kay Alejandro at nagtago sa kanyang likuran. Pakiramdam ko'y kakainin nila ako ng buhay anumang oras.

"What's with that face guys?" natatawang tanong ni Alejandro. Tila ba'y nagising sila at nagsilapitan sa amin.

"Lucas! Akala ko kinalimutan mo na kami kaya hindi ka na pupunta dito." tila ba'y nagtatampong sabi ng ina ni Celestine na si Lannie Eustaquio.

"Tita, makakalimutan ko ba kayo? Syempre hindi." nakangiting sabi niya. "Everyone, I want you to meet my wife, Victoria."

Mahinang tinapik ni Mama Cora si Alejandro sa balikat. "Anak, masyado ka namang advance mag-isip. 'Di ba next year pa kayo magpapakasal?"

"We just got married. Maybe one hour ago, right Victoria?" Kaagad akong tumango at nahihiyang iniangat ko ang aking kamay kung saan nakasuot ang singsing ko. "See?"

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now