Capitulo Diecisiete

2.5K 113 5
                                    



Capitulo Diecisiete



Nakahinga ako nang lumabas ako ng opisina ni Alejandro. Natapos ko ng matiwasay ang exam ko. Ang dalangin ko lamang ay ang makapasa ako. Naiwan sa loob si Mira at ang nagsilbing proctor ko sa exam.

Nginitian ko ang ibang staff ni Alejandro bilang ganti sa pagbati nila. Umupo ako sa sofa na nakalaan sa mga bisita. Ang kailangan ko ngayon ay isang mahaba-habang tulog. Pakonswelo ko sa sarili kong ilang araw na walang maayos na tulog. Kung maaari lang ay matulog na ako dito sa sofa. Hindi pa alam ni Alejandro na tapos na akong mag-exam dahil nasa kamara siya ngayon.

Pumikit ako. Siguro hindi naman masama ang isang pasimpleng idlit. Papatulog na sana ako kung wala lang tumawag sa akin.

"Victoria, can I talk to you?"

Huminga muna ako ng malalim bago dumilat. "Maaari naman, Rica."

"Pwede bang sa cafeteria tayo?"

Tumango naman ako. Mukhang mahalaga ang sasabihin ni Rica kaya pagbibigyan ko siya kahit pa mabigat ang loob ko sa kanya. Nauna siyang maglakad kaya sumunod na lang ako. Nang nasa cafeteria na kami, nag-order kaagad ako ng kape. Baka matulog ako habang kausap si Rica dahil sa sobrang pagkaantok.

Hinihintay kong magsalita si Rica at tahimik lang akong umiinom ng kape. Ayokong manguna sa magiging usapin namin. Bumuntong hininga ako. Sumasakit ang ulo ko dahil sa exam at kulang ng tulog.

"Victoria, I have something to tell you."

"Ano 'yon?" Humigop ako ng kape.

"As you can see, me and Ale are best friends since kinder."

Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong matalik siyang kaibigan ni Alejandro simula pagkabata. "Alam ko iyon."

Nawala ang aura niya na mabait. Napalitan iyon ng pagmamatapang na akala niya'y isa siyang nakakataas na tao sa lipunan. "Kung ganoon, alam mo na rin na everyone is expecting na kami ang magkakatuluyan."

"Alam ko rin iyon. Sa tingin mo ba hindi ko maiisip iyon noong kinukwento sa akin ni Alejandro ang tungkol sa pagkakaibigan ninyo?" May diin ang pagkabigkas sa huling dalawang salitang nabanggit ko. "Dumiretso ka na sa nais mong sabihin sa akin dahil nasasayang ang napakamahalagang oras na mayroon ako ngayon."

Tumiim bagang siya at kumuyom ang kanyang kamay. "Hiwalayan mo si Alejandro. 'Yan ang gusto kong sabihin sa iyon. Hindi ka kailangan sa buhay niya. I will give anything you want. Magkano ba ang gusto mo? Five million?"

"Sa tingin mo masisilaw ako sa halaga na ibibigay mo sa akin para lamang makipaghiwalay ako kay Alejandro?"

"Kulang pa ba iyon? Gusto mo—"

"Hindi ko kailangan ang iyong pera. Hindi rin ako makikipaghiwalay kay Alejandro."

"Ano bang dapat kong ibigay sa iyo para lang layuan mo ang lalaking simula pa lang sa una ay akin na?"

Pagak akong tumawa. Binibiro ba ako ng babaeng ito? "¡Éstas loca! Kailan pa naging sa iyo ang novio ko? Ang katanungan ay naging kayo ba ni Alejandro? Sa pagkakaalam ko hanggang pagkakaibigan lang kayong dalawa dahil ako ang novia niya."

"How dare you?!"

"Tigilan mo na ang pagpilit sa akin na layuan ko si Alejandro dahil hinding-hindi ko iyon gagawin kahit pa magkano ang ialok mong pera."

"Sa tingin mo hindi kita titigilan? Sa una pa lang kami na ni Alejandro ang nakatadhana. Everyone knows that we're getting married soon but you ruined it!"

La Señora desde el EspejoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon