Capitulo Veinte-Cinco

2.3K 131 7
                                    



Capitulo Veinte-Cinco


Alejandro Lucas Navarroza:



"Hindi muna ako papasok ngayon." Naglagay ako sa pinggan ng clubhouse sandwich. Dadalhan ko ng pagkain si Victoria dahil masama ang pakiramdam niya ngayon.

"Ano pong sasabihin ko kapag may dumating po dito, Senator?"

"Sabihin mo na may meeting ako."

"Copy, Senator. May ipapagawa pa po ba kayo?"

Napatingin ako sa gawi kung saan kakapasok pa lang ni Victoria. "Akala ko ba masama ang pakiramdam mo? Bakit ka bumaba?"

"Gusto kong uminom ng gatas kaya ako bumaba." Magaan niya akong hinalikan sa pisngi.

"Senator?"

"I'll call you kung may ipapagawa ako sa iyo." Then I ended the call. "Dapat hinintay mo na lang ako. Dadalhan naman kita ng gatas."

"Pero gusto kong uminom ng gatas." Napatingin siya sa sandwich na hinanda ko para sa kanya. "Pwede ba akong kumuha?"

"Yes. Its all yours." Ngumiti siya sa akin bago kumuha ng sandwich. Pinagmamasdan ko siya habang kumakain siya. Halos maubos na niya ang dalawang slice ng sandwich. Napangiti ako nang may mayonaise na naiwan sa gilid ng labi niya kaya kaagad ko iyon pinunasan ng tissue.

"Gising na ba si Lola Caridad?"

Wala na siya dito?"

"Nasaan na siya? Gusto ko pa naman siya kausapin."

"Sumama kagabi kay Mama. Pupunta kasi sila ng Pampanga ngayon para mag-church visit." Sa totoo lang, ako ang nagpilit kay Mama na isama sa Pampanga si Lola Caridad. Hindi magandang magsama dito si Victoria at ang abuela ko. Paano kung mawala siya dahil sa mga kinukwento ni Lola tungkol kay Manuel Saenz. Sinisigurado ko lang na hindi mangyari iyon.

"Ganoon ba? Sana sumama rin tayo." Bumuntong hininga siya. "Ang sarap nito. Ikaw ba ang gumawa nito?"

"Oo. Sandwich lang siya pero nakakabusog kapag nakadalawang slice ka na."

"Ngunit kulang pa sa akin ito. Gutom pa rin ako." Ininom niya ang gatas. "Gusto ko pa kumain ng marami."

"Sigurado ka?"

"Oo. Mukha ba akong nagbibiro sa aking sinasabi? Paano ba 'yan gawin para ako na lamang ang gagawa?"

"Ako na ang gagawa." Kinuha ko ang mayonaise.

"Parang labag naman sa iyo kaya ako na. Hindi naman kita pinagpipilitan."

Ngayon lang naging masungit sa akin si Victoria at medyo nakakapanibago. "Ako na, Victoria. Hindi labag sa loob kong gawan ka ng sandwich." Nag-umpisa na akong gumawa ng sandwich bago pa lalong magsungit sa akin.

Nakasimangot siyang umupo sa stool habang pinapanood ang ginagawa ko. Ganito lang siguro siya kapag masama ang pakiramdam niya. Nagsusungit.

Huminto ako sa ginagawa ko nang humawak siya sa puson niya. "Mayroon ka bang monthly period ngayon?"

Umiling siya. "Tatlong linggo na nga akong delay sa buwanang dalaw ko. Alam mo rin na ilang araw ko nang nararamdaman ang pagsakit ng puson ko. Hindi ko alam kung bakit sumasakit ito palagi."

"Magpa-checkup ka kaya ngayon." Hiniwa ko sa gitna ang sandwich bago ko binigay kay Victoria. "Mas magandang matingnan ka ng OB Gyne para malaman natin kung bakit palaging sumasakit ang puson mo."

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now