Capitulo Cuatro

4.8K 232 17
                                    



Capitulo Cuatro



"Kagabi ay nakitang kasama ng binatang senador na si Senator Alejandro Lucas Navarroza ang kanyang girlfriend na hindi pa matukoy kung anong pangalan. Ayon sa mga nakakita ay napaka-sweet ng dalawa at kahapong magkasama sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Makikitang iisipin ng kahit sinuman na nabuhay bigla ang karakter nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara ng nobela ng pambansang bayani na si Doctor Jose Rizal..."

Sinundan ko ang pinagmumulan ng nagsasalita na tila ba'y nag-uulat at narinig ko rin ang pangalan ni Alejandro. Suot-suot ko pa rin ang aking damit. Hindi ko kayang suotin ang mga damit na nasa aparador. Pawang mahahalay ang mga ganoong klaseng damitan. Hindi ko mawari kung bakit ganoon ang mga kasuotan na nasa aparador.

"Matagal nang inaabangan ang mga tao kung sino ang makakahuli sa pusong ilag ng presidential candidate na si Senator Navarroza..."

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang tao na nasa loob ng isang parisukat na kahon. "Aaaaaaah!"

Napalingon sa akin si Alejandro at kung anong anong bagay siyang itinutok sa parisukat na kahon kaya nawala ang tao.

Muli'y ako'y sumigaw. "Anong ginawa mo sa mga taong nakakulong sa kahon?"

"Kahon?"

Itinuro ko ang parisukat na kahon. "D'yan! Kanina ay may nagsasalitang binibini d'yan at may kung ano kang ginawa kaya naging itim na iyan." lumapit ako sa kahon at sinuri ko ang kahon na nakapatong sa mesa. "Hindi ito kahon. Napakanipis upang maging kahon." nilingon ko si Alenjandro. "Paano sila nagkasya dito? Ikukulong mo rin ba ako dito?" biglang natawa si Alejandro na aking kinainis. "Sa tingin mo ba'y nagbibiro ako? Walang dahilan para ika'y tumawa. Anong ginawa mo sa mga tao? May masamang kang ginawa sa kanila!"

"Wala akong ginagawang masama sa kanila, Victoria." lumapit sa akin si Alejandro. "Ang tawag sa bagay na ito ay television o TV."

"Telebisyon o tibi?"

Marahan siyang tumawa."Oo, iyon nga. Ang TV ay isang bagay kung saan maaari kang manood ng mga palabas o mga balita kahit anong oras mo gustuhin. May mga palabas na nakakatawa, may nakakatakot, mga tungkol sa pag-ibig at mga palabas na tungkol sa salita ng Diyos."

"Pero bakit sila—"

"Naalala mo ba 'yung mga dala ng mga taong bigla tayong pinagkaguluhan?"

Marahan akong tumango. Hindi talaga sila mawawala sa aking isipan. Kakaiba rin ang kanilang damitan dahil pawang nakasuot ang iba ng pang-itaas na maiksi ang manggas, maiksing saya ang mga babae at hindi ko na maalala ang iba pa.

"Ang tawag sa hawak nila ay camera at 'yung bagay na nilalapit nila sa atin ay microphone. Kinukuhaan nila tayo upang maipalabas sa mga television upang mapanood ng mga tao. Mga modernong kagamitan ma wala sa panahon mo. Tingnan mo." may kung ano siyang pinindot sa hawak niyang bagay na maliit na parisukat na kulay itim kaya biglang nagkaroon ng repleksyon ang telebisyon na sinasabi ni Alejandro.

May isang binibini umiiyak na tila ba nagagalit sa kausap niyang ginoo. Mayamaya ay nagkaroon na ito ng boses.

"Napakasama mo, Vernon! Bakit mo ako niloko?"

"Hindi ko sinasasadyang saktan ka, Gina. Please—"

Biglang nag-iba ang senaryo sa telebisyon nang pinindot muli si Alejandro. Ngayon naman ay isang ginoong nagluluto.

La Señora desde el EspejoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora