Capitulo Dieciséis

2.8K 134 9
                                    



Capitulo Dieciseis



"Victoria?"

Hindi ko pinansin ang taong nasa likuran ng pintuan ng aking silid. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro. Kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil sa Viernes na ang exam ko. Kailangan kong makapasa dahil sobrang nakakahiya kay Alejandro kapag ako'y bumagsak. Ang laki na rin ng nagastos niya para makapag-aral ako.

Isa pa'y gusto ko rin makapag-colegio. Pwede akong kumuha ng scholarship sa oras na makapasa ako. Nais ko ring magtrabaho upang magkaroon ako ng sarili kong pera. Ayokong gumastos pa ng malaki si Alejandro. Gusto kong patunayan na kakayanin ko.

Huminga ako ng malalim at pilit pinapasok sa aking isipan ang mga kailangan kabisaduhin. Nahinto ako sa pagbabasa nang may humawak sa balikat ko.

"Victoria, alas dos na ng madaling-araw. Bakit hindi ka pa natutulog?"

Umangat ako ng tingin. "Marami pa akong dapat na pag-aralan. Malapit na ang test ko." Binalik ko ang aking tingin sa libro. Sikreto lamang ang pagkuha ko ng ALS Accreditation and Equivalence Test dahil sa oras na malaman ng media ang tungkol dito, isa daw itong malaking gulo. Lalo daw akong hahabol-habulin ng mga reporter at paparazzi. Sa opisina ni Alejandro gaganapin ang exam ko.

Umupo si Alejandro sa gilid ng mesa. "Ang sabi nila Manang Fely, buong maghapon ka na raw nagre-review. Alam mo bang hindi healthy iyan sa pagre-review mo?"

"Hindi naman siguro. Mas mainam na mag-aral ng buong magdamag." hindi kalakasang boses na sabi ko. Mariin akong pumikit at pilit pinapasok sa isip ko ang binabasa. Na si Edgar Allan Poe ang father of Modern Detective Story and Horror Story. Si Geoffrey Chaucer naman ang father of English Literature. Kapag natapos na ang exam, susubukan kong basahin ang mga akda nila.

"Hindi mainam iyon, Victoria. Alam mo bang sa oras na sobrang pagod ang braincells mo, hindi papasok sa isip mo ang nire-review mo? Sayang lang ang pagod mo sa kakaaral. Hindi naman pwedeng buong maghapon, nag-aaral ka dahil mapapagod ang braincells mo. Isa sa mga sign na pagod na ang braon ng isang tao kapag panay ang hikab nito. Inaantok na kasi ito at kailangan na magpahinga ang isipan. Kaya magpahinga ka na." Seryosong sabi niya.

"Hindi naman ako—" hindi ko napigilang humikad. "—inaantok. Hindi pa ako pagod sa ginagawa ko." muli akong humikab.

"Hindi raw inaantok pero panay ang hikab." Bigla niyang kinuha sa akin ang librong hawak ko. "Matulog ka na, Victoria."

"Pero—"

"Bukas ka na mag-review. Huwag mo namang abusuhin ang sarili mo."

"Hindi pa nga ako—"

"Inaantok ka na. Huwag kang makulit." Hinila niya ako patayo. Muntik na akong matumba, mabuti na lang nahawakan niya ako. "Tingnan mo? Halatang kanina ka pa nakaupo dito kaya sobra kang nangalay at nanibago bigla ang katawan mo. Pasaway ka." Walang sabi-sabing kinarga ako ni Alejandro. Hindi ko na nagawang umangal dahil talaga namang inaantok na ako. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa kama at kinumutan ako. Binuksan na rin niya ang lampshade.

"Alejandro?"

"Hmn?"

"Nami-miss ko na ang pamilya ko. Labis akong nag-aalala sa kanila lalo na nasakop rin pala ang ating bansa ng mga Amerikano. Tiyak akong nabubuhay pa sila sa mga panahong iyon." Nilingon ko siya. "Sa tingin mo, ano kayang nangyari sa kanila?"

Naglakad si Alejandro papalayo sa akin at pinindot ang switch ng ilaw ng kwarto ko. Kaagad din siyang bumalik sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit puno ng pagkabahala ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay. "M-May naririnig ka bang boses bukod sa boses nating dalawa?"

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now