Capitulo Nueve

4.1K 163 20
                                    




Capitulo Nueve



Tahimik na ang buong paligid ng lumabas ako ng bahay. Marahil ay tulog na ang lahat ng kasama ko sa bahay. Napapikit ako nang humangin ng malakas. Hindi ako dinadalaw ngayon ng antok kaya naisipan kong pumunta sa hardin upang magmuni-muni. Laking gulat ko nang makita ko si Alejandro na nakaupo sa gilid ng swimming pool at nakatingin sa kalangitan. Tahimik akong umupo sa tabi niya. Napalingon siya sa akin na kanyang kinagulat kaya binigyan ko siya ng matipid na ngiti.

"Victoria! Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog. Ikaw? Bakit gising ka pa?"

"Hindi rin ako makatulog."

Tumango na lamang ako at tumingin ako sa kalangitan. Kay gaganda ng mga tala. Tila mga diamaneteng nagniningning sa kalangitan.

"Ang gaganda ng mga bituin. Bihira lang na makakita ng ganyan sa kalangitan ngayon."

"Tama." Pagsasang-ayon ko kay Alejandro. Napansin ko iyon. Natatakpan ng mga ulap ang kalangitan. Ulap nga ba o mga usok na galling sa mga makabagong teknolohiya?

"Sa inyo, palagi mo bang nakikita ang mga bituin sa langit?"

"Oo ngunit may pagkakataong natatakpan ng mga ulap ang kalangitan na hindi naman maiwasan. Napakaraming bituin ang makikita mo sa langit. Mas maganda ang kalangitan kapag sobrang liwanag ng buwan. Tila ba nababagay sa isa't isa ang buwan at tala."

"Ang ganda siguro sa inyo noon."

"Masasabi kong maganda nga ngunit sobrang malupit ang mga Español sa ibang Pilipino lalo na kung ito'y nasa mababang antas ng pamumuhay. Maswerte na lamang ako dahil galing ako sa Buena familia. Mas maganda ang panahon mo, Alejandro, dahil malaya na kayo."

"Siguro nga. Alam mo bang naniniwala ako na matutupad ang kahit anong kahilingan mo sa oras na hulingin ka sa bituing nasa kalangitan."

Napalingon ako kay Alejandro. "Alin sa mga iyan ang pagsasabihan ko ng aking mga kahilinan upang matupad iyon?"

"Ang pinakamaningning sa kanilang lahat." Tinuro niya ang pinakamaningning na bituin. "Tutuparin ng bituin na iyan ang kahilingan mo basta buong puso mong sasabihin sa kanya." Tumingin siya sa akin. "May kahilingan ka bang gusto mong matupad ngayon o sa darating na araw?"

Bumalik ang tingin ko sa kalangitan. "Ang kahilingan ko sa ngayon ay ang makapunta sa iba't ibang panig ng Pilipanas at kung papalarin ay pati na rin sa ibang bansa. Wala kasi akong karapatan na pumunta sa mga lugar na nais kong puntahan dahil hindi iyon gusto ng aking mga magulang. Mayroon akong sariling maestra upang makapag-aral at kung sakaling pumunta kami sa Maynila ay bantay sarado ako ng aking ina. Bawat kilos ko'y nakabantay siya dahil sa isang kadahilanan."

"Ano naman iyon?"

"Dahil nakatakda na akong ikasal sa binatang nais nila para sa akin, si Señor Linares. Matagal na nilang napagkasunduan iyon na talagang hindi ko gusto. Ayokong ikasal sa kanya kaya sobrang saya ko na mapunta sa panahon mo, Alejandro. Para akong binigyan ng kalayaang mamuhay na wala sila ngunit may pagkakataong nais kong bumalik sa panahon ko dahil labis akong nangungulila sa aking pamilya." Muli'y bumuntong hininga ako. "Ikaw, Alejandro? May kahilingan ka bang nais matupad?"

"May iniibig ka bang binata sa panahon mo kaya ayaw mong magpakasal sa Linares na 'yon?"

Marahan akong umiling. "Wala. Hindi pa ako umiibig sa kahit sinong binata sa panahon ko."

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now