Capitulo Treinta y Ocho

2.1K 102 14
                                    



Capitulo Treinta y Ocho



"Let her go. Ayoko magalit si Alejandro sa akin sa oras na masaktan pa ulit siya."

Binitawan ako ng mga tauhan ni Mira. Hindi ko inaakalang gagawin niya ito sa amin. "Mira, tigilan mo na ito. Hayaan mo na akong makalaya."

Marahas siyang lumingon sa akin. "Palayain? Sa tingin mo'y makakaalis ka pa dito ng buhay?"

Takot. Iyan ang naghahari sa sistema ko. Takot sa kung anong mangyayari sa akin sa susunod na mga oras. "A-Anong ibig mong sabihin?"

Naglakad papalapit sa akin si Mira. Marahas niyang hinila ang buhok ko. "Aalisin kita sa buhay ni Alejandro. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkagulo ang plano ko para sa kanya. Hindi na dapat siya tutuloy sa pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas pero dahil bigla ka na lang dumating sa buhay niya, nagkagulo na ang lahat."

"H-Hindi kita maintindihan. Matagal na niyang nais na maging presidente."

"He's planning to back out! Sinabi niya iyon sa akin. Ia-announce dapat niya iyon sa harap ng press. But one day, he told me that he want to continued running for presidential position. Why? Its because of you!" pasigaw niyang sabi. "You ruined my plan for him!"

"Ano bang problema mo sa pagtakbo niya sa posisyon na iyon? Wala ka namang mapapala sa kanya kung sakaling hindi siya tumakbo for presidential position."

"That's what you think. My father wants to be the next president of the Philippines. Gusto niyang tumakbo this last presidential election pero hindi niya tinuloy dahil kay Alejandro. Ang sabi niya okay lang sa kanya kung vice president lang siya ng dito basta si Alejandro ang presidente."

Nanlaki ang aking mga mata. Anak ni Vice President Davis si Mira! Akala ko'y nag-iisang anak na lalaki lang ang mayroon siya.

"As his illegitimate child, I want him to recognize me of what I've done for him but you ruined that dream I have! Okay na sana, eh. Kung natuloy lang ang plano ko, baka si Dad na ang presidente ng Pilipinas ngayon. Baka sa akin na rin si Alejandro. My father wants Alejandro as my husband. The day he said that to me, I dreamed that soon we will get married and have a happy family. Na hindi katulad ng sa akin." Unti-unting tumulo ang mga luha sa pisngi ni Mira. "He's mine. I do my best as his secretary and personal assistant. Gusto kong ipakita sa kanya na perfect ako to be his future wife but you came in his life. Then my life became shattered."

"M-Mira."

"Ano bang maipanglalaban ko sa isang tulad mo. Hindi ka anak sa labas, prim and proper, beautiful and the Princess Diana of the Philippines because of charity work you've done. Kilos at galaw pa lang perfect na. Prisesa ka na sana dito kung mayroon lang monarchy sa bansang ito. A real wife material for Alejandro. Na parang hinubog ka para sa kanya and I really hate it! Bakit ba dumating ka pa sa buhay ni Alejandro? Like its perfect scenario when you came in his life. 'Yong paglusot mo sa mirror at eksaktong nasalo ka niya. It's like you are gift from heaven to him! You are so perfect."

"Akala mo lang 'yon, Mira. Hindi naman ako perpektong tao at nagkataong mahal namin ni Alejandro ang isa't isa simula umpisa pa lang."

"Na kahit anong gawin kong maging perpekto sa harapan niya—" Tila hindi narinig ni Mira ang sinabi ko. "—Hindi niya iyon makikita dahil sa iyo. I really hate you!" Malakas siyang tumawa at tinutukan ako ng baril. "Makikita lang ako ni Alejandro sa oras na mawala ka sa buhay niya."

Mas lalo akong natakot kay Mira. Isa siyang baliw! Kahit anong oras pwede niya akong saktan at patayin sa labis na pag-ibig—hindi! Labis na pagka-obsess sa asawa ko. "M-Mira, ibaba mo 'yan." Pinipilit kong huminahon ngunit hindi ko magawa.

La Señora desde el EspejoWhere stories live. Discover now