Chapter 3

4.9K 199 5
                                    

Someone's POV

Tatlong araw na akong naghahanap ng gamot para sa lolo kong sugarol. Matanda na ito ngunit matigas parin ang ulo. Sabi ko ay gagawin ko ang lahat para gumaling sya sa sakit nya pero ang sagot lang nito ay hayaan na syang mamatay para hindi na sya magbayad ng utang.

Balak pa nyang iwanan sa akin ang utang nya sa sugal eh walang wala na nga rin ako. Ang kapal talaga ng mukha ng matandang yon. Ang totoo ay hindi talaga kami magkaano ano ng matandang iyon. Kinopkop nya lang ako galing sa ampunan ngunit di ko inaasahan na maaadik pala ito sa sugal at mauubusan kami ng pera kaya't kinailangan ko ngayong magtrabaho umaga at gabi. He was a former butler from the most famous and powerful noble family in Satie Empire but when the Head of that house died kinamkam ng mga kamag-anak ng dating head ang kayamanan nito. Nawala rin ang nag-iisang anak at tagapagmana noon kaya't wala ng nagawa ang mga dating empleyado doon kundi umalis dahil pinalitan na silang lahat ng bagong namamahala doon.

Sa kasalukuyan may dalawang emperyo sa kontinenteng ito ang patuloy na naglalaban para sa kapangyarihan. Ang Satie Empire at Castillan Kingdom. Hindi natatapos ang gyera sa pagitan ng dalawang ito kaya't damay lahat pati karatig nitong maliliit na nasyon.

Sakim ang karamihan sa mga noble galing sa Satie Empire gusto ng mga ito na sakupin ang buong kontinente at pamunuan. Nilamon ng karangyaan ang puso ng mga namumuno doon kaya't hindi sila pumapayag na may ibang emperyong papantay sa yaman at lakas na meron sila, ang Castillan Kingdom.

Castillan Kingdom was known to be a righteous kingdom. Hindi katulad ng pamumuno sa Satie, maayos ang pamamalakad dito at hindi binabaon sa hirap sa pagbabayad ng tax ang mga mamayan nito. Kaya lang naman nagkakaroon ng war ay dahil sa pananakop ng mga Satie sa lugar na pinapamahalaan na dapat ng Castillan.

Ang ipinagtataka lang ng lahat ay bakit sa tuwing may gyera wala ang Emperor ng Satie Empire sa labanan eh dapat sya ang commander ng sarili nyang sundalo. Base sa sabi-sabi duwag daw ang Emperor ng Satie Empire kaya hindi ito lumalaban.

Pero ano naman ang pake ko sa dalawang emperyong ito kung wala parin akong makukuhang gamot para sa matandang hukluban na yon. Kahit papaano naman ay nakaranas din ako ng maayos na buhay dahil sa kanya kaya't gumagawa ako ng paraan para makahanap ng gamot pero wala talaga.

Tatlong araw na akong paikot-ikot pero wala akong mahanap na gamot para sa sakit nito. Dahil narin sa kulang ako sa pera kaya limitado lang ang gamot na nahahanap ko yun pang walang epekto. Naubos na ang ipon ko sa kakabayad sa mga doctor pero iisa lang ang sagot nila ang kailangan daw ay potion galing sa Satie Empire.

Ayaw kong pumunta sa lugar na iyon dahil kung mahirap ang buhay namin sa maliit na village na ito mas mahirap ang pumasok at lumabas ng buhay sa lugar na iyon at siguradong mapapadali ang buhay ni tanda kapag nalaman nyang duon ako pumunta.

Sa sobrang pag-iisip ko di ko na namalayan na nakarating na pala ako sa maliit na tahanan namin.

"Lolo, pasensya na wala parin akong nahahanap na gamot sa--- shhh wag kang maingay magigising ang bisita." Pag putol nito sakin kaya't napalingon agad ako sa gawi nito matapos kong ibaba ang maliit na lumang pouch na dala ko.

Laking gulat ko ng makitang may babaeng nakahiga sa marupok na kama na dapat ay hinihigaan ni Lolo. Biglang umusok ang ilong ko dahil wala na nga kaming makakain ay nagdala pa ito ng bagong pakainin. Walang ano ano akong lumapit kay Lolo na mukhang amaze na amaze sa babaeng nakahiga.

"Lo! Ano to? Naghahanap pa ako ng gamot mo tapos may dinala ka nanamang bagong alagaan!?" Galit na asik ko dito ngunit nagulat ako ng madilim itong lumingon sa akin.

"I told you to keep quiet." May diin na pagkakasabi nito kaya't napalunok ako ng di oras. Ngayon ko lang nakita itong ganito. Pinasok ng kaba ang buong katawan ko sa titig nito kaya't hindi na lang ako nagsalita ulit at tumango na lang bilang sagot.

Kung gaano kadilim ang mukha nito pagharap sa akin ay ganoon din kabilis nagliwanag ang awra nito ng makaharap sa babaeng nakahiga sa kama. Sa sobrang liwanag nakakasilaw na at masakit sa mata. Para itong maamong alaga na nag-iintay sa amo nya.

Nabagok ba ang ulo ni Lolo habang wala ako? O baka naman dinalaw nanaman sya ng mga inutangan nya. Hayst maitanong na nga.

"Lolo umabot narin po ba hanggang sa utak nyo yang sakit nyo?" Di makapaniwalang sabi ko dito at tinakpan ko pa ang bibig ko na parang gulat na gulat.

A moment of silence.

Inihanda ko na ang sarili ko pagtakbo  sa labas dahil naramdaman kong tatayo ito at ibabato sa akin ang upuan nito. Kahit may sakit si Lolo at pwede ng i-braid ang balbas nito ay matikas parin itong gumalaw kaya alerto ako rito palagi.

Natigil ang pakiramdaman naming dalawa ng biglang umupo galing sa pagkakahiga ang babae sa kama.

Pero ang mas kinagulat ko ay ang biglang pag-luhod ni lolo na para bang nagp-pledge of loyalty at yumuko ito. Hala may tama na nga si Lolo.

" I vow to serve Her Highness , the true head, with full potential and utmost loyalty. Please let me be your sword again and stay by your side until this ungrateful life of mine reach its end."

Napatanga na lang ako sa sinabi ni Lolo dahil hindi basta basta ang ginawa nito. Kapag nag-pledge ka na ng loyalty  ang ibig sabihin lang nito ay buong buhay mo ay inaalay mo na sa taong nais mong pag silbihan o hawak na ng taong pinag-alayan mo ang buhay mo.

ThroneWhere stories live. Discover now