Chapter 45

1.2K 87 29
                                    

Third Person's POV

Habang ang iba sa loob ng selda ay naka kunot noo dahil sa hindi nila mawari kung ano ang nangyayari, si tandang Carrion naman ay lubos na nagagalak. 

'Tama nga ang mga diyos at diyosa. Hindi ako nagkamali sa pananampalataya. Ngayon ay muli ng babalik sa dati ang lahat sa teritoryo ng Karsen.' Sa isip ni Carrion.

"Butler Carrion, alam namin na ikaw ang higit na nakakaalam ng mga ito at may tiwala kami sa iyo. Tiwala kami na wala kang ipapahamak sa atin pati narin ang tagapagmana." Wika ni Marshall na ikinatango naman ng iba.

"Huwag kayong mag-alala sapagkat ang lahat ng nangyayaring ito ay may basbas ng mga diyos at diyosa. Hindi nila tayo ipapahamak at saka ang tagapagmana ay nahimbing lamang dahil kailangan niyang mamahinga sandali." Sagot ni Carrion. 

He's assuring everyone that nothing is wrong.

"Ngayon, dalahin na natin ang tagapagmana sa silid kung saan siya nararapat." Sambit ni Carrion na agad naman sinunod ng kanyang mga kasama habang si Marshall ay 'di lamang kumibo dahil nakatingin ito sa nakahandusay na katawan ni Seleste.

"Butler Carrion, ano ang gagawin natin sa kontesa?" Tanong ni Marshall. 

"Marami ng kasalanan ang kontesa sa ating lahat kaya't kailangan niyang pagbayaran iyon. Dapat natin siyang ipagamot muna at pagnagkamalay na siya ay magsisimula na ang paglilitis. Hintayin na lamang natin ang utos ng tagapagmana kapag siya ay nagising na." Wika ng matanda. 

"Kung ganoon ay ako na muna ang bahalang mag-aasikaso sa kontesa hanggat wala pang utos ang tagapagmana." Pag-boluntaryo ni Marshall. 

Carrion didn't hesitate to agree since he thinks that he will have to be busy working on the Dukedom affairs before the heiress wakes up.

Kahit matanda na ito ay iniisip parin nito ang magiging papel niya sa muling pagbangon ng Karsen House. Ibang klaseng katapatan talaga ang meron sa matanda. 

Umalis na ang matanda matapos ang usapan ng dalawa at ngayon ay naiwan na lamang si Marshall at ang kalahating buhay na si Seleste sa selda. 

"Kahit hindi mag-utos ang tagapagmana ay sisiguraduhin kong magbabayad ka talaga, Seleste." Sambit nito habang galit na nakatingin kay Seleste. 

Kung si Yveria sa buhok hinila si Seleste, si Marshall hinawakan sa paa ang kontesa at saka nagsimulang hilahin papunta sa maliit na kama. Iyong kama kung saan ikinandado ng kontesa si Kartara. 

Walang pag-iingat nitong iniakyat sa kama ang kontesa. Nauntog pa nga sa pader ang ulo nito dahil nakadikit ang kama sa pader pero wala lang pakialam si Marshall. Kulang na lang ay ibalibag sa sama ng loob.

Ikinandado niya ito kagaya ng pagkandado kay Kartara at doon ay tiningnan niya ng malamig bago lisanin ang selda.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang ipagamot ang katulad mong sukdulan ang kasamaan ngunit susunod ako ngayon dahil aalamin ko pa kung saan mo ibinenta ang anak ko," sambit ni Marshall.

*Makalipas ang tatlong araw*

Abala ang lahat sa pagsasaayos ng palasyo at paglilinis nito. Si tandang Carrion ang pansamantalang namamahala ngayon dito at nagsasaayos ng trabaho sa loob ng palasyo. 

ThroneWhere stories live. Discover now