Chapter 5.5

3.4K 162 5
                                    

Third Person's POV

Napaluhod ang receptionist dahil sa takot at kaba ng makaakyat ang dalawa sa ikalawang palapag. Kahit na takot na takot at nanlalamig ito ay nakuha parin nitong magsinungaling sa totoong presyo ng bayad sa inn dahil ganon sya kasakim kahit buhay na nya ang nakataya.

Bago makapasok sina Yveria at Aya sa loob ng inn, maingay at nagkakasiyahan ang mga tao dito. Dalawang palapag ang building na ito, kainan o dining area sa first floor habang ang mga silid na pahingahan ay nasa ikalawang palapag. 

Adventurers ang karamihan na nagi-stay sa inn na ito at ang iba naman ay merchants na walang matulugan sa tuwing sila'y maglalakbay. Adventurers ang tawag sa mga taong nakikipaglaban sa evil magical creatures or monsters sa mundong ito. Binabayaran sila depende sa level ng creatures na napatay nila. Merchants naman ang tawag sa mga taong nagbebenta o bumibili ng mga produkto galing sa iba't ibang nasyon. 

"Balita ko may giyera nanaman daw na magaganap." sabi ng swordsman na isa sa mga adventurer sabay inom ng alak nito.

"Hindi ba napapagod ang Emperor natin sa labanan? Marami na ang namatay sa hukbo nito pero parang wala lang sa kanya." sabi ng isang kasama nito.

"Wala ng bago, kahit mag-hirap pa tayong mga nasasakupan ng hangal na pinuno na yon hindi yon magkakaroon ng pake sa atin." panegundo ng babaeng magician.

"Mag-ingat ka sa pananalita mo baka gusto mong mamatay ng maaga wag mo na kaming idamay." Saway ng isa pang kasama nito sa grupo.

"Tsk."

Ang mga mamamayan ng Satie Empire ay hindi maaring magbigay ng komento o maglabas ng hinaing nila sa kung paano ang pamamalakad sa loob ng imperyo dahil itinuturing itong treason at maaring sila ay ipapatay.

"Sa tingin nyo hihingi ng tulong ang imperyo sa Adventurer's guild sa darating na labanan?" 

"Walang nakakaalam sa susunod na galaw nila pero kung mangyayari iyon siguradong mapipili na sumama sa battlefield ang misteryosong taong yon."

"Walang puso at lalong walang pakialam ang taong yon, walang sino man kahit ang Emperor ang kinatatakutan non. Sa tingin mo sasama yon sa walang kwentang labanan na iyon?" Natatawang sabat ulit ng babaeng magician.

"Shut the hell--- 

Napatigil ito ng biglang isang nakamamatay na aura ang naramdaman ng lahat kasabay nang pagpasok ng babaeng naka black na cloak. Hindi maaninag ang mukha nito dahil natatakluban ito ng cloak na suot suot nito. Dere-deretso lang itong nag-lakad papunta sa receptionist na para bang walang tao sa paligid habang ang kaninang maingay at nag-iinuman sa loob ng inn ay hindi makagalaw o natatakot gumawa ng kahit ano mang ingay na maaaring makakuha ng atensyon ng taong ito. The atmosphere inside the room changed into something ominous.

Black and dangerous kind of aura ang bumabalot dito at pakiramdam nila ay isang maling galaw lang ay hindi na sila sisikatan ng araw. Mas nakakatakot pa ito sa misteryosong tao na kilala nila sa Adventurer's Guild. 

It was Yveria. Ngunit kahit anong dami ng tao sa paligid she's the kind of person who wouldn't care about it unless she senses something dangerous or there's someone who's trying to hurt her.

Makapigil hininga ang lahat ng galaw nito. Nagdadasal na ang ilan na huwag sana sa ganitong paraan matapos ang buhay nila habang ang iba naman ay nablanko na ang utak. Sa sobrang tahimik ng paligid rinig na rinig nila ang malamig na boses nito ng tanungin ang receptionist.

Nakahinga lang ng maluwag ang lahat nang umakyat na ang dalawang bisita sa taas.

"Who the hell is that? I've never met a human like that." 

"Sh-she's not human. The Emperor must not upset her cause if that happens---

Pinagpapawisan na ito ng malalamig at kahit halatado sa boses nito ang panginginig at takot tinuloy parin nito ang pagsasalita. He's one of the adventurers and one of his skills is to foresee the future.

--all of us will die."

******
Note:

Hi guysu. Once again sorry po sa typo at grammatical errors. Kahit onti ng reads understandable naman bilang isang baguhan at magulo pa salamat parin sa oras na ginamit niyo sa pagbukas ng istoryang ito.(。・ω・。)ノ♡After all subok lang naman to hahaha. Sending hugs and flying kiss sa nagbabasa hehe.

Magsisimula pa lang ang totoong kwento. Salamaatsuuuuu sa mag-aabang haha.

ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon