Chapter 46

1.2K 61 12
                                    

Third Person's POV

Everyone in the Karsen Palace is celebrating as the news of the heiress waking up after three days of slumber goes out. They are also in tears of joy when they find out that the person who killed the knights and maids vanished. That it wasn't the heiress who did those brutal killings.

Nangunguna na sa pagsasaya na ito si tandang Carrion sapagkat sa tingin niya ay hindi nararapat ang pag-uugali ni Yveria para sa kaayusan ng Karsen. Tuwang tuwa ang matanda sa nakikita niya ngayon habang ang mga diyos at diyosa sa heavenly realm ay pinagtatawanan din lamang siya.

Tunay ngang sa mundong ito kapag madali kang magpauto ay talo ka. Kapag mahina ka ay gagamitin ka lamang instrumento ng malalakas upang umangat at matupad ang masasama nilang hangarin. At si tandang Carrion ay isa sa mga instrumentong iyon.

"Young Lady Kartara, the workers had prepared your bath." Carrion said as he stepped inside the young lady's room.

Kartara closed the book she was reading and turned her gaze to Carrion.

She's sitting near the window of her room.

"Maraming salamat, butler Carrion. Ipagpapahinga ko lamang ang aking mata ng kaunting minuto at susunod na ako." Malumanay na sagot ng dalaga.

"Yes, young lady… paborito mo parin palang basahin ang libro na iyan. Marahil ay naalala mo nanaman ang yumaong Duke at Dukesa." Wika ni tandang Carrion.

Tiningnan ng dalaga sandali ang libro at pagkunway niyakap ito. Tumanaw siya sa labas ng bintana na para bang may inaalala.

'Siguro ay namimiss nanaman niya ang kanyang magulang.' Malungkot na pag-iisip ni tandang Carrion.

"Right, young lady, ako ay paroroon na sapagkat abala parin ang buong palasyo sa paghahanda para sa nalalapit na okasyon ng opisyal na paglilipat ng pamamahala ng Karsen House sa iyo." Magalang na wika ng matanda.

Hindi lamang sumagot ang dalaga kaya't bahagya lang na yumuko si Carrion bilang tanda ng respeto at marahan na isinara ang pinto ng siya ay lumabas na ng silid.

Katulad ng nakakahawang sakit ay mabilis na kumalat ang balita ukol sa pagbabalik ng tagapagmana ng Karsen Dukedom sa buong emperyo ng Satie. Nakalabas ang balita ng may ipinadalang sulat ng imbitasyon si tandang Carrion sa mananahi at magdidisenyo ng kasuotan mula sa capital ng Satie gamit ang ibon na ipinagkaloob umano ng diyos at diyosa sa matanda. Hindi ito nakaligtas sa pandinig at mata ng Emperor ng Satie Empire lalo na at marami itong nagkalat na alagad sa buong imperyo.

The knights and soldiers that were deployed to the borders are marching back to the Karsen Palace to know the truth of what's really happening to the Dukedom they are serving. Everyone who has heard the news got interested in the affairs of the Karsen Dukedom. The sudden comeback of the dead heiress from two years ago piqued everyone's interest.

Lalo na at bilang lang sa kanila ang nakakita ng pisikal na hitsura nito noon pa man.

Talk of the empire ngayon ang pagbabalik na ito galing sa kamatayan kaya't lubos na inihahanda ngayon ang palasyo ng Karsen sa pamumuno ng butler na si Carrion dahil maraming nobilities ang nagpahayag na sila ay dadalo sa opisyal na paglilipat ng pamamahala sa bagong tagapagmana. Kahit ang walang dugong nobility ngunit may sapat na yaman upang dumalo sa okasyon na ito ay nagpadala rin ng sulat kung maari ba silang maging saksi sa mahalagang kaganapan na ito.

Meanwhile, after the young lady took a bath.

"Young Lady Kartara, may kailangan po ho ba kayo?" Tanong ng babae na dating trabahador sa hardin ngunit ngayon ay personal ng tagapagsilbi ng young lady.

ThroneWhere stories live. Discover now