Chapter 44

1.1K 85 9
                                    

Bago natin simulan ang kabanatang ito gusto ko lang ishout out si BloodyRoja . Thank you so much huhu hindi man ako makareply sa inside comments sa Novelah, nababasa ko naman iyon. Maraming salamat sa suporta sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso🤧 Malay mo sa susunod na chapter makita mo na ang pangalan na Reed/Roja. Kung meron pa man iba na nakarating sa Novelah magcomment lamang kayo roon para marecognize ko kayo🤧 Maraming salamat talaga huhu at dahil diyan susubukan kong mag-update ng new chap sa linggo.<3

**********

Yveria's POV

Nang makarating ako sa underground prison ng palasyo habang hinihila ang nanghihinang katawan si Seleste, agad na bumungad sa akin ang makalumang estado ng kulungan.

 Lahat ng selda ay bukas na ang pinto pero ang mga nakakulong ay mukhang wala parin balak lumbas. Tsk. 

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang narating ko ang pinakadulong bahagi nito.

And there I saw Carrion with his friends. As I stepped into the cell the sense of familiar presence grew stronger. 

"What are---you doing here?" Seleste weakly asked. 

Hindi lang ako sumagot bagkos ay nagdirediretso sa babaeng nakahimlay sa maliit na kama. Nahawi ang mga tao sa loob upang bigyan ako ng daan. Ramdam ko ang mapagtanong nilang tingin ngunit wala akong pakialam. 

"Young Lady, what have you done to the countess?" Rinig kong tanong ni Carrion.

"Shut it, old man. You're starting to annoy me." Malamig na turan ko. Alam kong nagulat ito pero nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Kung wala lang siyang koneksyon sa mga nilalang na iyon sa taas ay baka matagal ko na siyang inalis sa landas ko. 

"Sino ang taong ito, butler Carrion?" Rinig kong tanong ng kasama nito.

I just ignored their nonsense questions as I stared at the poor condition of the body in front of me, Kartara's body. 

Her features are really just like mine.

I noticed how the shackles stained her skin and so I turned my piercing gaze to Seleste. 

"Give me the key or I will burn and crash all your belongings." I commanded.

She weakly search for it in her neck. Ginawa niya pala itong pendant ng kanyang kwintas. Mukhang mas natatakot pa siyang mawalan ng kayamanan kaysa mamatay.

"Yveria?" An angel's voice made all of us stop. 

Agad kong hinila ang susi sa leeg ni Seleste at hinayaan siyang bumagsak sa malamig na sahig ng selda. 

I can sense anger from one of Carrion's friends. He's been staring at Seleste from the moment I brought that bitch here. 

Humarap ako sa mga nagsisiksikang kasamahan ni Carrion at nagsalita.

"Whoever wants to take care of this bitch… can take her away from me for now. But remember to not kill her." Makabuluhang wika ko at tinanggal na ang hood ng aking cloak.

They gasped and their expression seemed so shocked. As usual. 

"Butler Carrion, paano naging kamukha niya ang tagapagmana?" Rinig kong tanong ng isa. 

Alam kong gising parin si Seleste kahit pumipikit pikit na ito. Ngayon, alam mo na kung gaano ka katanga. Kung mapapatay man siya ng isa sa kasamahan ni tandang Carrion ay pipilitin ko siyang buhayin muli gamit ang teknolohiya at mahika. Paulit-ulit ko siyang pahihirapan hanggang mawalan na ako ng gana. 

Tinalikuran ko na sila at mas lumapit pa kay Kartara.

"How come you know me?" Tanong ko ng malapit na ako dito ngunit hindi ko parin siya hinahawakan.

"Bakit naman hindi? I am a part of you. Malayo ka palang ay alam ko na kung sino ka." She smiled.

Her voice is literally an angel. Far from how cold and expressionless my voice is. 

"Patawarin mo ako dahil hindi ko man lang naalagaan ang hiram na buhay na ipinagkaloob mo sa akin. Patawarin mo ako dahil hindi man lang ako lumaban kahit sinasaktan na ako ng sino man. Hindi ko kasi kayang makasakit ng iba. Ayaw kong makikitang may nasasaktan ako kahit patuloy nila akong sinasaktan. Hindi ko alam ngunit hindi ko kayang lumaban kahit pa napakalakas ng mana na iniwan mo sa akin." Malungkot na wika nito habang mayroon nang namumuong luha sa mga mata nito. 

I didn't hesitate more and unlocked the shackles. 

Ngunit nagulat ako ng bahagyang mapadikit ang kamay ko sa balat nito. Para bang nakuryente ako sa mabilisang pagdampi na iyon. 

Kartara must have felt it also. 

Makalipas ang ilang segundo ay nagsimula ko ng maramdaman ang pag-init ng nasa loob ng katawan ko. Para bang may nasusunog na kung ano.

My inside starts to get in chaos until it reaches my heart. 

Nasapo ko na lang ang aking dibdib dahil sa humadapdi na ito. 

"Ito na siguro ang oras. Gustuhin ko man na makausap ka pa ay mukhang hindi na tayo pahihintulutan pa ng mga diyos at diyosa." Rinig kong wika ni Kartara.

She doesn't need to ask for my forgiveness. Both of us were just controlled and used for their own good. 

Hindi ko na siya masagot dahil pakiramdam ko ay sobrang init na ng buong katawan ko at napakasakit ng puso ko ngayon. Naitukod ko na lamang ang kaliwa kong kamay sa matigas na kama habang nakawak parin ang aking kanan sa dibdib.

"What is this?" I weakly said. 

Ramdam ko na nakaupo na si Kartara ngayon. 

"It's time for your soul to be one again. Masaya akong minsan ay naging parte ako ng buhay mo." Turan niya at hinawakan ang ulo ko.

Hindi na ako nakapagprotesta pa dahil mas lalo akong nanghina ng dumampi ang palad niya sa ulo ko. 

***************

Third Person's POV

Lahat ay tensyonado dahil sa kanilang nasisilayan ngayon. Wala silang magawa kundi tingnan lamang ang nangyayari kay Yveria at Kartara sapagkat hindi nila alam kung paano matutulungan ang mga ito. 

Habang nakalapat ang palad ni Kartara sa ulo ni Yveria ay may lumabas na puting usok sa katawan ni Kartara habang kulay itim naman kay Yveria. 

Lumipad pataas ang dalawang magkaibang kulay na usok galing sa mga dalaga at sa ere ay nagsanib ang mga ito. Matapos ang ilang segundo ay nagpaikot-ikot muna sa hangin at nagmukhang yin at yang ang mga usok. 

Pagkaraan ng ilang segundo ay muling lumipad ng magkahiwalay ang itim at puting usok ngunit sa oras na ito ay pareho na sila ng pupuntahan, sa katawan ni Yveria. 

"AHHHHHHH

Sigaw ni Yveria ng pumasok na sa kanyang katawan ang mga usok na iyon. Hindi niya malaman kung buong katawan niya ba ay masakit o meron pang ibang dahilan kung bakit tila ba hindi niya makayanan ang nararamdaman niya ngayon. 

Kasabay ng paglipat ng dalawang usok sa katawan ni Yveria ay siya rin namang simula ng unti unting paglalaho ng katawan ni Kartara.

Hirap na iniangat ni Yveria ang kanyang ulo upang makita ang kalagayan ni Kartara dahil ramdam niya ang pag gaan ng palad nito.

"Kung mabubuhay man akong muli ng hindi na galing sa hiram na kaluluwa ng iba, hahanapin kita Yveria. Sasamahan kita dito sa mundong puno ng nilalang na mapaglaro ng buhay iba at sisiguraduhin kong magiging masaya ka." Sambit nito habang nakangiti at tuluyan na ngang naglaho sa hangin. 

Bago tuluyang bumagsak ang katawan ni Yveria sa kama ay may tumulong isang butil ng luha mula sa mata nito.

ThroneWhere stories live. Discover now