Chapter 09: Lunchtime Rendezvous

21.6K 1.7K 2K
                                    

A/N: The second meeting of our First couple! Hope you'll enjoy this update!

A/N: The second meeting of our First couple! Hope you'll enjoy this update!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

ALAM MO 'yong moment na nagising ka na pero feel mo kulang pa ang tulog mo at ayaw mo munang bumangon sa kama? Gano'n ang pakiramdam ko nitong umaga . . . hanggang sa i-check ko ang aking phone para sana tingnan ang oras. Namulagat ang mga mata ko at napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Tambak ang message notifications sa screen! Tuluyang nagising ang diwa ko at nawala na ang antok ko.

I scrolled down. Lagpas thirty messages ang na-receive ko mula nang natulog ako kagabi hanggang ngayong nagising ako. They were all asking me kung ako raw ba 'yong babae sa photo. They were generous enough to send me the link para alam ko kung ano'ng tinutukoy nila.

Of course, I knew what the photo was and the story behind it. Nauna nang i-s-in-end sa 'kin ni Castiel kagabi. He told me to prepare for the next act dahil mukhang napabilis ang takbo ng mga pangyayari.

Speaking of Castiel, he messaged me this morning. Mabuti't ini-scroll ko at ch-in-eck ko ang lahat ng messages bago ko na-minimize ang aking inbox.

 Mabuti't ini-scroll ko at ch-in-eck ko ang lahat ng messages bago ko na-minimize ang aking inbox

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Good morning, Fabienne! The fire has started. Today's gonna be chaotic for the USC and you. If asked, do not confirm. You can deny or deflect the question. You can also change the topic. If you need help, don't hesitate to ask. Thanks and have a great day!

Ibinagsak ko ang aking likod sa kama at ini-spread ang mga kamay ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. Nai-imagine ko na ang mga pang-iintrigang aabutin ko mamaya sa classroom at saka sa rehearsal room! Everyone who messaged me was either part of my class or part of the Mulan production. Malamang namukhaan nila ako ro'n sa picture.

Last night, I was excited to see kung saan ako dadalhin ng script ni Castiel. Ngayon, kasisimula pa lang ng araw ko, parang sasabog na ang utak ko sa stress at pressure!

Tama ba 'tong pinasukan ko? Naisip ko bang posibleng may ganitong consequence kapag nagpanggap akong First Lady ng USC president?

Ugh! Muli akong bumangon sa pagkakahiga at bumuntonghininga. Walang mabuting maidudulot ang pag-o-overthink ko rito. I gave myself five hours to think thoroughly about Castiel's offer to act as the First Lady. I said yes to him. From that moment onwards, handa dapat akong harapin kahit anong problemang dumating dala ng deal namin.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now