Chapter 13: Intersection Point

18.1K 1.5K 1.3K
                                    

A/N: Hi! I noticed that the previous update kinda riled some of you up, but let us be mindful with the words we throw at the characters. It's also too early to judge them right now. That's all! 

 That's all! 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

I HAD NEVER been to a team building event before. Hindi kasi ako mahilig sumali sa clubs at ibang student organizations. I didn't have time for those stuff dahil sa part-time job ko. Sapat na ang pag-rehearse ko sa play namin. Ah, teka! Member pala ako ng repertory theater, pero wala kaming ganap outside the stage. Ang tanging naaalala ko ay ang pa-dinner ni Direk no'ng natapos na ang showing ng Mulan.

Kaya magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ko magmula pa nitong Friday. Hindi man ako magiging participant sa games, medyo kinakabahan ako kung magagampanan ko nang maayos ang role ko bilang facilitator. Aside from that, kailangan ko ring gampanan ang pagiging First Lady ko kay Priam.

Castiel mentioned something about temporarily suspending the "no PDA rule" and "working hour rule" for the team building. Pumayag kaming dalawa ni Priam dahil gets namin ang reasoning behind his proposal. Ang hindi ko alam ay kung ano exactly ang gagawin namin.

Would we hold hands while walking? Would we kiss under the moonlight?

Kiss? I could only give mine to three people: my parents, my boyfriend and my co-actor in a scene where kiss was required. First lady man ako ni Priam, hindi ko siya mako-consider na boyfriend ko. At kahit considered na may script kaming sinusundan sa pretend relationship na 'to, he's not technically my fellow actor. Hindi rin required ang kissing scene sa amin.

Sa sobrang dami ng iniisip ko, nahirapan akong makatulog kagabi. This was the first time na na-break ang routine ko. I regularly slept at nine, pero lagpas alas-dose na ako nakatulog. Six o'clock pa naman ang call time namin sa waiting area. Mabuti't naihanda ko na ang mga damit, gamit at essentials ko para sa two-day-and-one-night event na 'to. Pwede na akong sumibat agad pagkabitbit ko sa aking backpack.

Dahil sa dorm ako nag-i-stay, it only took me around five minutes para makababa at makapunta sa waiting area malapit sa school gymnasium. Dito laging naghihintay ang mga estudyanteng hindi nag-i-stay sa campus para sa bus service. Wala pa ang mga bus na sasakyan namin, pero may mga estudyante nang nakalupong sa bawat grupo nila.

Kung tama ang pagkakatanda ko, ang participants ng team building ay ang officers ng College Student Councils. So that meant . . . almost the entire student government was here! Bigatin pala ang mga kasama rito. Dapat mas galingan ko ang aking role bilang facilitator mamaya. Baka may masabi silang hindi maganda kapag pumalpak ako. Madamay pa ang USC.

Come to think of it, may nabanggit si Castiel no'ng meeting namin last Tuesday. He mentioned na may ilang CSC officers ang may ayaw sa kanila. Kaya nga dapat kaming mag-act ni Priam para ma-convince silang hindi stunt ang namumuong relasyon namin. Also . . . Castiel warned me about someone na dapat akong maging wary.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now