Chapter 23: Under Siege

14.5K 1.2K 1.4K
                                    

⚠️TRIGGER WARNING⚠️
This chapter contains words that some readers may find triggering and offensive. Reader discretion is advised.

 Reader discretion is advised

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FABIENNE

DAHIL SA isang tsismis—dahil sa isang fake news—nagbago na ang turing sa 'kin ng ilang estudyante. It's like a switch had been flipped. Yesterday, I was being admired and praised by almost everyone. From last night until today, I was being attacked by people who fell for the rumor.

Sanay na akong maka-encounter ng critics at haters pagdating sa 'kin o sa performance ko. That's an expected part of my life and my career. Kaso iba ang sitwasyon ngayon. Nang s-in-end sa 'kin ni Castiel ang link do'n ng post ng What's The Tea account, halos nanlumo ako. Pinilit kong iwasang basahin ang comment section, kaso hindi ko nalabanan ang curiosity ko. I wanted to know what people thought about the false info.

Dapat pala, hindi ko na binasa. Daig ko pa yata ang nakapatay ng tao dahil halos kuyugin ako ng ilang nambato ng masasakit na salita sa 'kin. Naniwala sila agad kahit wala pang confirmation kung totoo nga o hindi. Mabuti't may iilang nag-defend, sinabing baka sinisiraan ako at huwag munang maniwala hangga't hindi pa nabe-verify.

Dahil dangal at reputasyon ko na ang nakataya rito, hindi ko na natiis na hindi mag-reply. I quickly commented on the post:

"Not true! I didn't sleep with the director or did anything in exchange for the role. I earned it because of hardwork."

Kailangan kong depensahan ang sarili ko. Kung mananatili akong tahimik, baka may mga mag-isip at magsabing sign of guilt 'yon. Madali pa naman humusga ang mga tao. At least, I got something off my chest.

Then the replies came pouring in. May mga na-relieve na mabasa ang denial ko, saying that they knew I wouldn't do something that lewd. Kaso may iilang ayaw pa ring maniwala kahit na nilinaw ko na.

"Sus! Maniwala kami sa 'yo. Siyempre ide-deny mo 'yan kaysa aminin. Sinong tanga ang i-a-admit na may ginawa siyang malaswa para makuha ang gusto niya?"

Ouch. Nasaktan ako ro'n. Masakit na nga ang sinabi niya, ipinilit pa niya kung anong scenario ang itinanim ng tsismis sa utak niya. May ilan pang um-agree sa kanya at d-in-ismiss ang comment ko bilang palusot o kasinungalingan. May ilan din namang kinontra siya at sinuportahan ang sinabi ko. Kasama sina Belle at Colin sa mga 'yon. I was thankful to them and my other classmates who came to my defense.

The comment section became a battlefield. Nag-spike yata ang stress sa katawan ko kaya biglang sumakit ang aking ulo. I couldn't bear reading anymore. Itinabi ko muna sa gilid ng kama ang phone at sandaling ipinikit ang mga mata ko.

Kaya kong tanggapin ang masasakit na salita kahit kanino man 'yon galing, basta alam kong ang pinapaturan ay ako at ang mga ginawa ko. But for an act that I didn't do, hindi gano'n kadaling i-process ang mga ibinato nila. I was being ridiculed for something that wasn't true.

Play The Queen: Act OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon