Chapter 42: Meet the Luceros

13.7K 1.1K 1K
                                    


FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

THE DAY had finally come! Kung ako ang masusunod, ayaw ko sanang ma-meet pa nina Mama't Kuya si Priam. Una, hindi naman talaga kami. Acting lang 'to! Pangalawa, ayaw kong ma-attach si Mama at magkaroon ng expectation si Kuya sa pretend boyfriend ko. Kaso naipit ako sa sitwasyon. Wala akong choice kundi panindigan ang fake relationship namin hanggang sa ma-reelect si Priam.

Pagsapit ng Sabado, hindi muna ako umuwi ng umaga. Nag-stay pa ako sa dorm at tinapos ang mga dapat kong tapusin. Hanggang Monday morning kasi ako sa bahay kaya para wala na akong alalahanin, tinapos ko na ang assignments at nagpa-laundry na rin ako ng damit.

Three o'clock ang meeting time namin ni Priam. No'ng una nga, six o'clock dapat. But Castiel told us to meet earlier and go somewhere else bago kami dumeretso sa bahay. Gusto niyang magkaroon muna kami ng bonding moments para mas convincing daw. I agreed to his suggestion! Aside sa makakapag-relax muna kami ni Priam bago ang potentially stressful na family dinner, magkakaroon pa kami ng time para kumuha ng pictures na pwede naming ipakitang proof ng relationship namin.

We decided to go to the mall and watch a movie bago kami pumunta sa bahay. Hinintay ko siya sa labas ng dorm ko kung saan niya ako susunduin. I was clueless until today na may car pala siya. I wore a white sweetheart neckline dress that reached just a few inches above my knees. Naisipan ko ngang mag-casual clothes, kaso pangit yatang tingnan sa picture kung hindi kami match ni Priam.

Baka rin magtaka sina Mama't Kuya kung bakit napaka-laid-back ng damit ko. Kung magde-date kami, dapat todo effort sa outfit para walang masabi ang mga tao. Baka kapag may nakakita sa 'min sa mall 'tapos ikinalat ang picture namin sa CampuSite, makita ni Reynard at magtaka siya kung bakit gano'n ang suot ko. Isa pa 'tong si Kuya na medyo sharp. Kailangan talagang convincing hindi lang ang acting namin, maging sa costume din.

Five minutes bago mag-alas-tres ng hapon, nasa lobby na ako ng dorm. May ilang estudyanteng dumaan sa harapan ko na pinagtinginan ako. Nagbulungan pa nga sila, mukhang nakilala ako. Nang i-message na ako ni Priam na he would be here in a minute, do'n na ako lumabas ng dorm at tumayo sa may silong. May mga mata pa ring nakasunod sa 'kin.

A white sedan stopped in front of me. Bumukas ang pinto sa driver's side at lumabas na si Priam. He wore a unbuttoned black coat over a white shirt and dark pants. Maayos din ang pagkakasuklay ng buhok niya. Talaga yatang pinaghandaan niya ang date at meeting na 'to kahit actingan lang.

"Hi!" Agad siyang lumapit sa 'kin at tumayo sa harapan ko. "Pinaghintay ba kita nang matagal?"

May narinig akong tilian sa likuran ko. I ignored them as I smiled at the handsome guy in front of me. "Hindi naman! Halos kabababa ko pa lang dito."

"They're taking pictures of us," he whispered. "Wala namang problema ro'n, 'no?"

"Don't mind them." I kept on smiling. "Just act as if hindi mo sila napapansin. Kailangang candid ang kanilang shots just in case i-post nila sa CampuSite."

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now