Chapter 21: The Spark

17.7K 1.3K 1.1K
                                    

A/N: We're now in the third story arc of PTQ! Buckle up coz this one's gonna be a wild ride.

A/N: We're now in the third story arc of PTQ! Buckle up coz this one's gonna be a wild ride

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

HINDI SA pagmamayabang, but I knew how to handle fame. Pero not too much fame, ha? Just a certain level of it. Noon kasing napili akong gumanap na Mulan at nagsimula ang showing ng stage play namin, I received a lot of friend requests, follow requests, messages and even gifts sa locker ko.

Nailang ako no'ng una, but I realized na kung gusto kong tumuloy sa acting career ko, kailangang masanay na agad ako. This was part of the job—this was the consequence of fame—no matter how big or small it was. Sakaling dumating ang araw na maging mas matunog ang name ko, I should already be prepared for it.

Halos gano'n din ang nangyari matapos i-publish ng The Herald ang short profile feature sa 'kin ni Reynard. Maigsi ang article, hindi pa gano'n ka-in depth. May short background kung sino ako at ilang quotes tungkol sa pag-volunteer ko bilang facilitator. May naka-embed ding photos ko. Some of them showed me in my two-piece swimsuit. Hindi malabong nakaagaw ng pansin 'yon sa mga nagbo-browse sa CampuSite. It went viral the same way that my photo with Priam in the cafe spread like wildfire.

The day after ng team building, dumagsa ang mga gustong c-um-onnect sa 'kin. Some of them left messages, saying they didn't know that I was Mulan and they liked my performance last year. May ilan ding nag-compliment sa itsura at sa figure ko—most of them boys. May ilan namang binati ako bilang "Madam First Lady."

Hindi ko naiwasang mag-blush kapag nakababasa ng gano'ng comments at messages. Was I enjoying the attention? Kinda, I guess? I was trying to get used to it. Kino-consider ko nang training 'to.

Pero may ilan ding comments at messages na nagki-cringe ako. Hindi maiiwasan na may mga bastos na mag-pop sa aking inbox. Medyo sanay na ako sa mga gano'n dahil minsa'y naka-cat call ako tuwing dumaraan sa lugar na maraming tambay. Pero iba ang feeling kapag galing sa mismong schoolmates ko. They should know what to say and what not to say.

Still, that's part of the consequence of fame. Hindi na ako magtataka kung may mamba-bash sa 'kin at sisiraan ako sa site. Ang mas importante'y kung paano ko iha-handle ang gano'ng sitwasyon. Thanks to my patience, kaya kong i-tolerate ang mga gano'ng klaseng tao.

Pagkatapos ng afternoon classes namin, pumunta ako sa locker room para kunin ang extra kong damit. Today's our first rehearsal on stage. Our director asked us to wear clothes kung saan comfortable kami. Ayaw ko namang marumihan ang vest, blouse at skirt ko kaya inihanda ko ang aking PE uniform.

As soon as I turned my locker's knob, nahulog ang ilang papel na may iba't ibang kulay sa sahig. In-expect ko nang posibleng may ganitong eksena, pero nagulat pa rin ako. Agad akong yumuko at pinulot ang mga papel. I collected them all and checked them one by one. May ilang "good luck!" at "have a nice day!" messages do'n. Medyo creepy lang na nag-effort ang mga 'to na hanapin ang locker ko.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now