Chapter 26: The Past and The Present

14.7K 1.5K 2K
                                    

A/N: HAPPY 100K READS TO PTQ! Maraming salamat sa mga sumusuporta sa kuwento ng ating USC officers at ni Fabienne!

A/N: HAPPY 100K READS TO PTQ! Maraming salamat sa mga sumusuporta sa kuwento ng ating USC officers at ni Fabienne!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

PRIAM'S CALL soothed my confused and troubled self yesterday. Kahit gaano karami ang namba-bash sa 'kin, kahit gaano kasakit ang mga salitang ibinabato nila, kahit halos itakwil na ako ng mundo—enough na palang pampakalma ang boses at ang pangako niya. That cheered me up and enabled me to face the day.

Just when I thought na magiging mas okay ang araw na 'to kaysa kahapon, bigla akong sinupalpal sa mukha at iminudmod sa putik hanggang sa hindi na ako makahinga.

I was in the food hub, eating some pistachio oat bars, when Belle nudged me on the arm and showed me what's on her phone screen. Halos malaglag ang panga ko habang nakatitig sa mukha ng lalaking nakasuot ng varsity jacket at may nakababahalang caption. Nahulog pa mula sa kamay ko ang oat bar.

"What on earth is this?" bulong ko habang pakurap-kurap.

"Mukhang may gustong makisawsaw sa isyu mo, ha?" Iniangat ni Belle ang sleeves niya at akmang tatayo. "Malilintikan sa 'kin ang gagong 'yan. Gusto niya yatang matikman ang kamao ko? Ang kapal ng mukha niyang makisali sa usapin na 'to?"

Nakatulala pa rin ako sa phone screen. Hindi ko maintindihan. Hindi ko malaman kung bakit nangyayari 'to sa 'kin. Hindi pa ba enough ang sinapit kong pangungutya at pambabastos kahapon? Kulang pa ba 'yon? Hindi ba titigil ang mga taong 'to hangga't hindi nila ako nakitang nakasubsob sa putikan at halos hindi na makatayo?

Kinuyom ko ang aking kanang kamao, tuluyang nadurog ang hawak kong oat bar. Castiel asked me to not do anything stupid today and just stay still. Pero paano ako makakakalma kung lantaran na ang pambabalahura sa 'kin? Madaling sabihin para sa gaya niya kasi wala siya sa posisyon ko. Hindi niya alam ang pakiramdam ng pinagtitinginan ng halos lahat ng mga nakasasalubong ko na para bang nakapatay ako ng tao. Hindi niya alam kung gaano kahirap ang pumeke ng ngiti sa mga estudyanteng hinusgahan ako para sa isang bagay na hindi ko ginawa.

My fists began to shake. I clenched them so hard na nabaon na yata ang mga kuko ko sa balat. Nagngitngit ang mga ngipin ko sa magkahalong galit at pagkayamot. Dalawang araw na akong nagtitiis. Dalawang araw na akong napupuno. Dalawang araw na akong nagpapanggap na okay ang lahat.

Pero sobra na 'to. Hindi ko na dapat palampasin pa ang mga kasinungalingan na ibinabato sa 'kin. Kapag wala akong ginawa, kapag patuloy akong nanahimik na parang dedma ako sa tsismis, iisipin na naman ng iba na baka totoo ang kanilang nabasa. Iisipin nilang isa akong malaking sinungaling matapos kong mag-comment na hindi totoo ang unang post.

Muli kong tiningnan ang mukha ng lalaking varsity player sa post. Michelangelo, bakit mo ginagawa 'to sa 'kin? Bakit ka nakisawsaw sa kasinungalingan na ipinapakalat laban sa 'kin? Heto ba ang ganti mo sa 'kin dahil nakipag-break ako sa 'yo?

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now