Chapter 29: A Man of His Word

14.7K 1.5K 2.5K
                                    

A/N: We're down to the second to the last chapter of this story arc!

A/N: We're down to the second to the last chapter of this story arc!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

PATAPOS NA ang araw, pero may balak pa yata si Michelangelo na sirain ulit 'to. He's the last person na gusto kong makita. Wasn't he satisfied yet on how he tried to destroy me by supporting a false rumor? Gusto ba niya talaga akong i-down hanggang sa hindi na ako makatayo?

"Hoy, Mitch-hell! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito—" Akmang susugurin na siya ni Belle kaya agad kong iniharang ang kamay ko sa harapan niya. I always appreciated her coming to my defense, pero this was an issue between me and my ex. Ayaw kong may ibang madamay.

Parang mas confident ako ngayon kumpara kanina sa gymnasium. Maybe it's because I was no longer in his territory at may kasama ako habang kinokompronta ko siya. Hindi na niya ako basta-basta mai-intimidate.

"'Di ba siya 'yong ex niya?" bulong ng mga kasama namin sa theater na palabas na rin ng auditorium. Binagalan talaga nila ang kanilang paglalakad habang pinagtitinginan kami. "Siya 'yong sinampal sa video kanina!"

"Ang gwapo pala talaga niya, 'no?"

"Sayang, bagay pa naman sila."

Don't be fooled sa itsura niya. Mukha lang siyang mabait na parang maamong tupa. Kapag nakuha na niya ang gusto niya, ituturing ka na niyang toy na lalaruin niya kapag bored siya o kapag gusto ka niyang ipagyabang sa barkada niya.

Sinaway ni Belle ang ilang naglabas ng phone para kumuha ng photo o video namin. I didn't care anymore kung i-post o i-live pa nila 'to sa CampuSite. Mahilig naman sila sa mga tsismis at drama. I would give them what they wanted.

"Fine." Sinabihan ko muna sina Belle at Colin na kauusapin ko sandali ang ex ko. Umangal sila, but I assured them na wala silang dapat ikabahala. I could handle him myself. Lumayo ako at si Michelangelo mula sa kanila. Baka hindi ko mapigilan si Belle na sapakin siya. I didn't want any violence to spill here.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" seryoso kong tanong. Pwede namang hindi ko siya pansinin at dere-deretso akong maglakad palabas ng auditorium. Why would I waste my time on him, right? Mas masisira pa ang araw ko. But I was in a pretty good mood since this afternoon. Nagbabaka-sakali ako na nahimasmasan na siya sa ginawa niya. Humans could change. Michelangelo might have behaved like a monster, but he's still a human.

Lumapit siya sa 'kin habang nakatuon ang kanyang titig sa mukha ko. "I read from The Herald's post that you lost consciousness outside the gym minutes after we had a talk. I wanna say sorry. I feel guilty sa nangyari. Gusto ko ring kumustahin ang pakiramdam mo."

"As you can see, I'm doing well right now," sagot kong may pag-angat ng mga braso. "Kung nagi-guilty ka talaga, hindi sorry mo ang kailangan ko, Mitch. Hindi basta-basta mabubura ng isang salita ang sakit at stress na idinulot mo. Tell everyone the truth, I might forgive you."

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now