Chapter 47: The Last Straw

12.3K 1.4K 1.1K
                                    

A/N: And we're down to the FINAL FOUR CHAPTERS of PTQ's Act One!

A/N: And we're down to the FINAL FOUR CHAPTERS of PTQ's Act One!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

TRAUMAS WERE like wounds. Kahit na maghilom ang sugat, may maiiiwang peklat. At kapag nagawi ang tingin mo sa peklat na 'yon, babalik ang lahat ng masasakit na alaalang pinagdaanan mo. That's what happened to me when I learned the truth about the fake rumor that almost ruined me. I thought I had already moved on, but no. I hadn't. Sariwa pa rin ang sugat at may hapdi pa rin kahit natuyo na 'to.

I kept asking myself kung ano ba'ng nagawa ko kay Castiel para ma-deserve ang ganito. Sinunod ko ang lahat ng gusto niya para maging successful ang Oplan First Lady. Nag-sacrifice ako ng time at effort para makasama si Priam at ang student council. 'Tapos ganito ang isusukli niya sa 'kin? He treated me like a pawn that he could sacrifice anytime.

Baka naintindihan ko pa sana siya kung sinabi niya sa 'kin bago pumutok ang tsismis na may gagawin siyang gano'n. Pero hindi, eh! Talagang hinayaan niyang danasin ko ang sakit at kalungkutan. Malamang hindi niya sinabi sa 'kin para natural ang reaction ko at hindi mahahalatang acting ang lahat. Natural nga ang reaction ko, pero natural din ang sakit kaya hindi basta-basta maghihilom ang sugat nang gano'n kadali.

"Are you okay, Fab?"

Iniangat ko ang aking tingin kay Belle. Magkasama kaming kumakain ng lunch sa food hub. I ordered my favorite Caesar salad, pero kanina ko pa nilalaro ang lettuce sa tinidor ko. Magmula pa kahapon ako walang ganang kumain. Good news 'yon para sa diet ko, pero hindi para sa well-being ko.

I sniffed. "I'm not feeling well, pero kailangan kong pumasok. May rehearsal din kasi tayo mamaya."

"Naku, sinisipon ka pa yata!" sabi ni Belle sabay turo sa ilong ko. Mabilis kong inilabas ang aking panyo at pinunasan kung anuman ang tumulo ro'n. "Uminom ka na ba ng gamot? Gusto mo bang pumunta sa clinic?"

"Mawawala rin agad 'to." Maging sa gamot, tinatamad na rin akong uminom. Dala 'to nang naulanan ako kahapon sa rooftop. I was so shocked to confirm the truth, hindi ko nagawang tumayo o kumilos agad. Parang huminto ang mundo ko no'n. "Don't worry. Malakas ang resistansya ko."

Naningkit ang mga mata ng kaibigan ko sa 'kin. "Tell me, Fab. May problema ka ba? Gusto mo bang pag-usapan natin? Baka mabawasan ang bigat na nararamdaman mo."

Napatitig ako sa lettuce na tinusok ko sa tinidor. "Sorry, Belle, pero wala talaga akong gana sa kahit ano ngayon. Palilipasan ko lang 'to 'tapos bubuti na naman ang pakiramdam ko."

She might be my bestfriend, pero may mga bagay na ayaw o hindi ko pwedeng i-share sa kanya. Besides, may sarili na siyang problemang inaasikaso. Bakit ko pa daragdagan ang stress niya sa buhay kung pwede ko namang sarilihin?

"Tungkol ba 'to kay Mr. President?" tanong niya sabay nanliit ang mga mata. "May nangyari ba sa inyong dalawa? Nag-away ba kayo kahapon kaya wala ka sa mood?"

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now