Chapter 20: One of Us, Unofficially

16.9K 1.4K 1.9K
                                    

A/N: This is the conclusion of the team building arc! Hope you've enjoyed this ride coz the next one's gonna be wild.

A/N: This is the conclusion of the team building arc! Hope you've enjoyed this ride coz the next one's gonna be wild

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

MEDYO AWKWARD ang pagtulog ko kagabi. Una sa lahat, magka-share kami ng kama ni Valeria. If I had known na magkakaroon kami ng misunderstanding, kay Sabrina na lang pala ako dapat tumabi. Mabuti't malaki ang space sa kama kaya may literal na gap sa pagitan ng mga katawan namin. Parang may invisible wall o line sa gitna na hindi namin pwedeng lagpasan.

Napansin kong humupa na ang tensyon at mas kalmado na siya compared no'ng magkasagutan kami. Castiel knew about the drama last night, kaya malamang kinausap niya ito. I wouldn't be surprised if she was asked to apologize to me. Walang problema sa 'kin kung magso-sorry siya. I could easily forgive her. Gano'n ako kadaling kausap. Sa totoo niyan, ayaw ko ng gulo, ayaw ko ng masyadong drama. Enough na ang pinagdaraanan ko sa theater.

I woke up at six in the morning. Tulog pa sina Sabrina at Tabitha habang wala na sa tabi ko si Valeria. Bukas ang pinto sa banyo kaya wala siya ro'n. Maybe she took a quick stroll or she was already having her breakfast. Hindi sa iniiwasan ko siya, pero mabuti na sigurong hindi ang mukha ko ang una niyang makita. Baka masira agad ang araw niya . . . kung sakaling may galit pa siya sa 'kin.

Bumangon na ako't naghilamos sa banyo. I washed my face and let myself feel the cold water. Pagkapatay ko ng gripo, tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. I hoped the stressful situation last night wouldn't ruin my clear skin.

Lumabas na ako ng room namin. I took a deep breath and stretched my arms. Ang sarap ng sariwang hangin! Feeling ko, malilinis ang lungs ko nito. After exhaling, naglakad na ako patungo sa gazebo kung saan may iilang tao na ro'n. Priam, Castiel and Valeria were there, having some coffee.

"Good morning!" masiglang bati ni Castiel. Mukhang maganda ang gising niya ngayon, ah?

"Good morning," bati rin ni Priam na napapa-yawn pa. Either agad siyang bumangon nang hindi nagsusuklay o d-in-rag siya rito ni Castiel kahit hindi pa nakapaghilamos.

Valeria forced a smile at me that vanished instantly. Hindi na gano'n kabigat at katensyonado ang tingin niya sa 'kin.

Ngumiti ako't kumaway sa kanila. Dumaan muna ako sa long table kung saan naka-ready ang airpot at isang plato ng instant coffee sachets. Ayos naman ang tulog ko kagabi, kaso inaantok pa rin ako. I might need a cup of coffee to completely wake me up and to make me stay awake throughout the day. Mamayang hapon pa kami aalis dito at babalik sa campus.

After making my own hot drink, maingat kong dinala ang mug sa mesa ng tatlong USC officers. Halos ubos na ang laman ng kanilang mga baso. Lumipat sa bakanteng upuan si Castiel para may maupuan ako sa tabi ni Priam. Umagang-umaga, ang pretend relationship na namin ang inaatupag niya.

Itinaas ko ang aking mug at hinipan ang mainit na kape. I sniffed the steam. Nakaaadik talaga ang amoy ng coffee. It's no wonder why some people drink more than a cup everyday.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now