Chapter 24: The Call

14.3K 1.4K 2.5K
                                    

A/N: Kakayanin pa ba ni Fab? Alamin!

A/N: Kakayanin pa ba ni Fab? Alamin!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FABIENNE

TINIIS KO ang buong hapon na manood ng rehearsal sa auditorium. Sa isang pambihirang pagkakataon, I was in the audience area, just a few seats away from the director and his assistants. Imbes na hayaan akong magmukmok sa backstage, inutusan akong maupo rito para mapanood ang performance ng understudy kong si Lucresia. Gusto nilang pag-aralan ko ang blocking para kapag pwede na akong bumalik bilang Juliet, alam ko na kung saan ako papasok, tatayo at lalabas.

But for me, parang they're lowkey telling me na "this is what you're going to miss." Hay. Dala na siguro ng bigat ng pakiramdam ko at sunod-sunod na kamalasan ngayong araw kaya ganito na ako mag-isip. I bit my lower lip as hard as I could to prevent my tears from falling. No, ayaw kong magpakita ng kahinaan. Ayaw kong mang-agaw ng eksena. Baka lalong mainis sa 'kin ang mga kasama ko kapag nahinto ang rehearsal dahil narinig nila akong humihikbi.

Sa kabuuan ng rehearsal, nakangiti ako sa performers na nasa stage. Binibigyan ko sila ng thumbs up o kaya'y pinapalakpakan kapag maganda ang kanilang performance. Lucresia did well in her acting. Her facial expressions, her intonation, her movements—talagang pinatutunayan niya kay Direk na deserving siyang pumalit bilang Juliet. Mukhang impressed naman sa kanya si Direk. Between the two of us, he might decide to give the lead role to someone na walang bahid ng controversy.

Nang natapos na ang rehearsal, pumunta ako sa backstage para kumustahin sila. Pagkarating ko ro'n, almost everyone was praising Lucresia for her performance. Bagay na bagay raw talaga sa kanya ang role at pwede nang replacement sa 'kin.

Muli akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Last season's director once told us na no one's indispensable pagdating sa theater. Lahat ay pwedeng mapalitan kaya hindi dapat magmayabang ang kahit sinuman, mapa-on stage performer o behind the scenes staff. Dito ko na-realize kung gaano katotoo ang sinabi niya.

I could be easily replaced by anyone, or this case, by Lucresia. Kapag hindi na-resolve ang isyu ko, baka tuluyan na akong magpaalam sa lead role at maging sa theater. I had doubts that Direk would want to keep someone like me in the cast. Baka malasin pa ang production.

Sumabay na ako kay Belle na paulit-ulit ang tanong kung okay lang ba ako. I always replied with a "yes" and told her to not worry about me. May mga ikinuwento siya sa 'kin tungkol sa ganap sa backstage. Kaso masyadong preoccupied ang isip ko kaya wala akong na-absorb sa pinagsasabi niya. All I was thinking about were my good times on stage and how everything could be taken away from me in a snap.

Nagkahiwalay na kami sa labas ng Arts and Sciences building. Wala kaming date ngayon ni Priam alinsunod sa instructions ni Castiel. The USC must also be trying to distance themselves away from me, gaya ng ginawa ng The Herald at ng repertory theater. Parang may nakahahawang sakit ako na kailangang iwasan. I was becoming a liability, thanks to the rumor that tarnished my image and reputation.

Play The Queen: Act OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon