Chapter 39: Woman of the Hour

14.7K 1K 956
                                    


FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

SA TOTOO lang, hindi ko na-imagine na mabibigyan ako ng pagkakataon na maging cover ng magazine issue ng The Herald. I heard kasi that only exceptional students in the university would be given that honor. Kadalasang napi-feature ang academically excellent students na nag-uuwi ng trophies at medals, at students na active sa extracurriculars na pinaparangalan outside the university.

That's why when Reynard first informed me about the invitation, I was stunned. Hindi ko inakalang darating ang araw na mukha ko ang itatampok sa front cover. Hindi lang mukha, kundi maging ang personal na kuwento ko at journey bilang isang promising theater actress. Nagkaroon nga lang ng hiccups no'ng una dahil sa tsismis na kumalat tungkol sa 'kin, but that had been resolved already.

Siyempre, hindi ko rin maiwasang isipin na baka part ito ng scheme ni Reynard para sa plano niya laban sa University Student Council. If I would look at it closely, wala namang masama sa ginagawa ng USC na pagandahin ang image ni Priam upang ma-reelect siya. Was it illegal? No. There might be an act involved, but it's totally harmless. Wala siyang tinatapakan na ibang tao. Hindi rin niya nakalilimutang gampanan ang duties niya bilang president. Hindi rin siya nagnanakaw ng student council funds.

The same could be said about Reynard. Hindi naman niya iniimbestigahan ang USC dahil may personal siyang galit sa isa sa kanila. Wala ring atraso ang mga 'to sa kanya. He was just being driven by his disdain for lies and deceit. Gusto niyang ilabas ang katotohanan gaya ng ginawa niya sa mga in-expose niya no'n. Was it illegal? No. Was he the bad guy here? Not really. But he could be an obstacle na haharang sa daan ng student council.

Speaking of the USC, it had been two days since Priam recovered from his sickness. I was there no'ng hinimatay siya at iniuwi siya sa kanilang unit sa university apartment. That wasn't the first and the last time na pumunta ako ro'n. Tuwing lunchtime, dumaraan ako para ipagdala siya ng pagkain. Take note: Healthy ang food na binili ko para sa kanya. May sakit siya kaya dapat na masustansya ang ipinapakain ko. Tuwing dinnertime, pinagluluto ko siya ng sabaw.

Hindi ko ginagawa 'to dahil utos ni Castiel o dahil kailangan kong gampanan ang fake girlfriend duties ko sa kanya. Wala namang audience sa kanilang unit, kaya para kanino ang show kung sakali? I did it because concerned ako sa lagay ng health niya. I repeatedly told him na kailangan niyang alagaan ang sarili niya at huwag abusuhin ang katawan. Dinagdag ko pa ang pagkain ng healthy food at tamang oras ng pagtulog.

Dalawang araw na rin mula nang pumutok ang tsismis na isang skit ang relationship namin. Gaya ng tsismis tungkol sa 'kin, mabilis na kumalat ang post ng GOTCHA! Covered at marami ang napaisip kung may credibility ba ang news na 'yon. Because of my previous experience, medyo naging maingat na ang mga estudyante sa pagpapakalat ng gano'ng rumor.

Magpapakatotoo lang ako, ha? At first, I thought that Valeria was behind it. Sabi kasi sa post, USC officer mismo ang source. Pero sinubukan kong labanan ang thought na 'yon. Una, ayaw kong matulad sa ginawa sa 'kin ng What's The Tea na pinaniwalaan agad ang tsismis kahit walang proof. Isa akong hypocrite kung magpauuto agad ako, so I didn't fall for it. Pangalawa, duda ako na may magtatraydor, lalo na si Valeria, sa kanilang goal. They looked so close to each other. Parang ang hirap isipin na may palihim na namba-backstab sa kanila.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now