Chapter 34: Home Sweet Home

15.4K 1.1K 1.1K
                                    

A/N: Updates will no longer be daily, but every other day.

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

DATI, WEEKLY akong umuuwi sa 'min sa Angeles City. As soon as my Friday classes were over, sumasakay ako sa bus service mula sa campus at bumababa sa jeepney terminal papunta sa lugar namin. Sunday evening or early Monday morning naman ako bumabalik sa university.

But since I got busy with academics and theater, hindi na napadadalas ang pag-uwi ko. Monthly na. Magastos din kasi ang biyahe. Mas mabuti kung gamitin ko sa pagkain sa weekend at pandagdag na allowance sa susunod na linggo. Tinatawagan ko na lang sina Mama at Kuya para mangumusta sa kanila. I still kept in touch para hindi nila masabing nilamon na ako ng college life.

The last time I went home was in early August. It's the week before the two-day team building. Dahil wala akong pending schoolworks ngayong weekend at walang assignment sa 'kin si Castiel, naisipan ko munang umuwi. Ayaw kong masyadong magpa-miss sa family ko. At na-miss ko na rin ang pusa at ang kuwarto ko.

Umalis ako ng campus bandang alas-siyete at nakarating sa bahay lagpas alas-otso. Kahit hindi na madalas ang pag-uwi ko, mabuti't kilala pa ako ng tricycle drivers sa may kanto. Sasakay lang ako sa sidecar 'tapos alam na nila kung saan ako dadalhin.

Balak kong i-surprise si Mama kaya hindi ko sinabi sa kanyang uuwi ako today. Maingat kong binuksan ang aming gate para hindi masyadong lumikha ng kaluskos. Pagtulak nito, bumati ang orange na pusa namin na nag-meow nang mahina habang nakatingala sa 'kin. Kinarga ko siya sa aking bisig at hinaplos ang ulo niya para manahimik at umamo. Thank goodness, kilala pa ako ni Kahel. Obvious naman siguro kung bakit gano'n ang ipinangalan ko sa kanya, 'no?

"Yen, ikaw ba 'yan?"

Nagti-tiptoe pa ako patungo sa pinto nang bigla itong bumukas. Bumungad ang mukha ni Mama. Maiksi ang kanyang buhok na abot hanggang panga. She's in her late forties, pero hindi masyadong halata dahil flawless pa rin ang mukha niya. Kanino pa ba ako magmamana? Ngumiti ako habang napaangat ang tingin ni Kahel sa kanya.

"Good morning, Ma! Na-miss mo ba ako? I'm home!" Hinalikan ko siya sa may pisngi at niyakap ng isa kong kamay (hawak pa rin kasi ng kabila si Kahel).

"Aba, siyempre naman!" Nakangiti rin siya sa 'kin. Hinaplos niya ang ulo ko habang nakatitig sa mga mata ko. I could see my future self to look exactly like her. "Lalo yatang gumanda ang prinsesa ko?"

I tucked some strands of hair behind my left ear. "Ma, naman! Umagang-umaga, binobola n'yo na ako."

Natawa siya. "Nag-agahan ka na ba?"

Napahawak ako sa aking tummy. My stomach let out a growl. "Hindi pa po, eh. Dumeretso kasi agad ako rito pagkaligo para maaga akong makauwi."

"Sakto, katatapos ko lang magluto ng sinangag at itlog! Kain ka na muna."

Kahit on diet ako, hindi ko matatanggihan ang luto ni Mama. Ibang-iba kasi ang lasa kapag siya ang nagluto. Pang-five star restaurant ang level! Sobrang na-miss ko rin kaya talagang susulitin ko. Bahala na ang diet-diet na 'yan! Mababawi ko naman sa exercise pagbalik ko sa campus.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now