Chapter 32: Cast Reveal

15.9K 1.4K 1.6K
                                    

A/N: My daily update spree was broken yesterday. Moving forward, I'd be slowing down in posting updates. Baka every other day or every two/three days.

We're nearing the endgame, and I'd want other readers to catch up with the latest chapter. Ayaw ko ring ma-burnout lalo't 10 chapters na lang ang natitira (at hindi ko pa naisusulat). I hope y'all could understand. :))

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

TODAY'S A very special day for me and my theater family. Ngayon na kasi ang cast reveal ng modern adaptation ng Romeo and Juliet na ipe-perform namin sa October. There had been leaks in the past few weeks, pero wala pang official confirmation. Dahil sa resurging popularity ko sa campus, may mga nagtsismis na baka ako raw ang gaganap sa lead female role. Congratulations sa kanila!

It had been a week since the blind item incident. Ilang beses din akong pumunta sa Guidance and Counseling Center para ilabas ang trauma na pinagdaanan ko. Dr. Grace Carreon was a good counselor. I wished na agad akong pumunta ro'n para gumaan ang pakiramdam ko at naibsan ang sakit ng puso ko. Pero masyado rin kasing magulo ang isip ko noon. Ngayon lang ako nagkaroon ng clarity.

Magically, parang bumalik na sa normal ang lahat. Parang wala man ngang nangyari. Ah, teka! Meron palang changes. Patuloy ang pagtanggap ko ng words of support and encouragement mula sa ilang fans ko. Meron ding iba na nag-sorry dahil sa masasakit na salitang ibinato nila sa 'kin. Hindi ako mahilig magtanim ng galit kaya I quickly forgave them.

Even my ex-boyfriend apologized to me publicly and promised to be a better man. I heard from Castiel na hindi pumabor sa expulsion ang grievance committee. Two-week suspension at community service lang ang ibinigay na parusa. Was I disappointed? Of course! Pero ano ba'ng magagawa ko sa desisyon ng university officials? Honestly, I didn't want to think about it anymore. Nagpa-flashback sa 'kin ang dalawang mapapait na araw sa buhay ko. Gusto kong mag-focus sa kasalukuyan at sa hinaharap.

But I swore, if that man—wait, he didn't deserve to be called a man—if that trash ever bothered me again, makatitikim talaga siya sa 'kin. Hindi lang expulsion ang aabutin niya.

Okay, enough of him! Dapat good vibes lang ngayong araw. Let's talk about the man.

The campus media's attention shifted from me to Priam after his emergency press briefing. Controversial kasi ang d-in-eclare niyang crackdown sa fake accounts na nagpapakalat ng unverified info a.k.a. tsismis. May debate pa nga sa CampuSite kung tama ba ang ginawa niya o galaw 'yon ng isang diktador. Even The Herald published an editorial article questioning his move.

I somewhat pitied him. He's trying to do his best para hindi na maulit ang ginawang paninira sa 'kin, pero hindi 'yon masyadong appreciated ng ilang estudyante. He admitted to me that attracting the media's attention was intentional para mawala na sa 'kin ang focus ng lahat at matuon na sa kanya. In other words, he willingly made himself the target.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now