Chapter 37: Amidst the Storm

16.7K 1.2K 1.6K
                                    


FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

IT'S MY first time na makapasok sa University Apartments. Wala kasi akong classmate, friend o theater fellow na nakatira dito. This one's different from the University Dormitory dahil studio-type ang mga kuwarto namin at karamihan ay pang-isang tenant bawat room.

Why was I here in the first place? Dito dinala si Priam matapos namin siyang pagpahingahin sa gym at dalhin sa clinic. Meron daw siyang fever at malamang ay dala ng pagod at pagkabasa kaninang papunta sila sa donation drive center. Nang sandaling tumila ang ulan, iniupo na siya sa isang wheelchair at napagpasiyahang iuwi na rito para tuluyang magpahinga. Dahil hindi kayang mag-isang itulak ni Castiel 'yon, I volunteered to escort him all the way to the ten-story apartment. Ipinaubaya na muna kay Valeria na tumayong acting president at sa ibang USC officers ang pag-aasikaso sa donation drive.

Still, why was I here? Pwede ko namang ipaubaya kay Rowan o sa iba ang pagtutulak nito. First, I was truly concerned sa kung napaano si Priam. He collapsed in front of me kaya todo ang kaba ko sa kanya. Second, it might look weird kung ako na girlfriend niya ay hindi siya sasamahan pauwi. It's only logical for me to be here. Isa pa, nakasunod sa 'kin ang tingin ni Reynard na mukhang ino-observe ang bawat kilos ko.

The guard at the apartment's entrance assisted us sa pamamagitan ng pagbukas sa elevator at pagpindot sa button ng floor na pupuntahan namin. Una ko munang ipinasok si Priam na tulog pa rin habang pumuwesto sa gilid si Castiel. Nakarinig kami ng malakas na "ding!" at nag-slide pabukas ang pinto ng elevator. Unang lumabas si Castiel na nag-lead sa 'kin patungo sa kanilang unit.

Medyo na-surprise ako na malamang magkasama pala sa isang unit ang dalawang 'to. No wonder na gano'n sila ka-close sa isa't isa. Were they childhood friends o high school best buddies? Hindi ko pa pala naitatanong.

Castiel tapped his card key on the sensor and pushed the door open. Pinauna niya akong pumasok, tulak-tulak pa rin ang wheelchair, at saka siya sumunod bago isinara ang pinto.

Dahil first time ko nga rito, namangha ako sa laki ng kuwarto. May sala pa talaga sila 'tapos may dalawang magkahiwalay na bedrooms din. May kitchen din na hindi lang may sink, meron ding naka-ready na electric stove, rice cooker at microwave oven. Binuksan ni Castiel ang pinto ng isa sa dalawang kuwarto at do'n ako dinerekta.

Ang susunod na problema namin ay kung paano ililipat si Priam mula sa kinauupuan niya patungo sa kanyang higaan. Wala kaming ibang kasama rito kaya wala kaming ibang maaasahan kundi ang mga sarili namin. Okay lang sana kung hindi physically challenged si Castiel. Ayaw ko siyang puwersahin dahil baka kung mapaano ang binti niya. Kaya ako na lang ang nag-initiate.

I stood in front of the wheelchair, my back turned to Priam, as I leaned my upper body forward. Nagpatulong ako kay Castiel na iangat ang katawan ng USC president para sumampa sa 'kin. Piggy back ride ang naisip kong solusyon. To the best that he could, Castiel tried to raise his roommate and put him on my back. Naka-ready agad ang mga kamay ko na hawak ang tulog naming kasama.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now