Chapter 36: The Elysian Spirit

14.7K 1.1K 937
                                    


FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

MASAYA AKO kapag may class suspension. Siyempre, hindi ko na kailangang pumasok at pwede pa akong matulog nang mas mahaba sa araw na 'yon. Pwede rin akong manood ng Netflix series o movie habang humihigop ng mainit na sabaw. Pero heto yata ang isa sa class suspensions na hindi ako natutuwa.

Nag-landfall na sa Cagayan area ang Bagyong Lando. Pampanga was under signal number three, so automatic nang suspended ang classes mula preschool hanggang college. Nang hawiin ko ang kurtina sa bintana ng kuwarto ko kanina, sobrang makulimlim ang kalangitan. Nag-fog na rin sa window kaya hindi ko malinaw na nakikita ang view sa ibaba. But I could tell na malakas ang ulan at hangin dahil dinig ko ang pagbuhos nito.

Mabuti't five o'clock pa lang, nag-announce na ng class suspension ang university. Kagising ko kaninang six, hindi na ako nataranta at nagmadaling bumangon para maligo. I wrapped myself with my blanket and closed my eyes as I tried to sleep again.

Kaso hindi ko nagawang bumalik sa tulog.

Bumangon ako't inabot ang aking phone. Una kong tinawagan si Mama para kumustahin siya sa bahay. She said that she's okay and Kahel was inside the house. Si Kuya naman, kailangan daw mag-duty sa ospital kahit bumabagyo. I wished them to stay safe and dry.

Pagbaba ng phone, sumagi na naman sa isip ko napag-usapan namin nina Mama't Kuya nitong weekend. Tandang-tanda ko pa kung paano sinabi ni Mama ang tanong niya.

"Pwede mo ba siyang imbitahan dito sa bahay?"

Muli akong humiga sa kama at halos magpagulong-gulong. Dapat yata sinabi ko na ang totoo sa kanila para wala nang "meet the parent and brother." It had been two days since I returned on campus. Dalawang beses na rin kaming nagkita ni Priam kapag lunchtime, pero hindi ko pa nababanggit sa kanya. I also hadn't consulted Castiel about it. Busy yata sila sa Freedom of Information bill na kapapasa pa lang nitong Monday.

Hindi ko kasi alam kung paano ipe-frame ang request ko. Priam, pwede ka bang magpanggap na boyfriend ko kapag ipinakilala kita kay Mama? That sounded so weird! Parang lalo kong nilaliman ang hukay para sa sarili ko.

Bumalikwas ako sa kama. Kailangan ko nang malaman kung pwede ba o hindi para alam ko ang gagawin kung sakali. Suspended ang classes today kaya baka free sina Priam at Castiel?

Teka, mag-breakfast muna kaya ako?

Tumayo na ako't pumunta sa kitchen. Binuksan ko muna ang maliit na flatscreen TV na nasa wall at ginawa kong radyo habang nagpapainit ng tubig. On screen ang isang news program na ipinapakita kung ano'ng sitwasyon sa Cagayan. Sumilip ako para makita ang visual. Lagpas dibdib na ang level ng tubig at nag-uumapaw na rin ang mga ilog do'n. Some towns had been submerged by the flood.

Nalungkot ako habang pinapanood ang mga nangyayari do'n. I was glad na nasa area ako na hindi binabaha kahit gaano kalakas ang ulan. Mataas kasi ang pinagtayuan ng Elysian University at maayos din ang pagkakagawa ng drainage.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now