Chapter 50: The Aftermath

14.6K 1.4K 1K
                                    

A/N: THIS IS THE FINAL CHAPTER OF PTQ'S ACT ONE! BUT, BUT, BUT! THERE'S STILL AN EPILOGUE RIGHT AFTER.

This was supposed to be a Castiel chapter, but it would be unfair to Fabienne if we wouldn't read her thoughts for the last time in Act One.

This was supposed to be a Castiel chapter, but it would be unfair to Fabienne if we wouldn't read her thoughts for the last time in Act One

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FABIENNE

I DIDN'T know what had gotten to me, but I chose to spare Castiel from public humiliation. No'ng ikinuwento niya sa 'kin ang reason niya kung bakit niya ginagawa 'to, at no'ng lumuhod siya sa harapan ko hanggang sa halos halikan na niya ang sahig, naantig naman ang puso ko. Pero hindi sapat 'yon para patawarin ko siya o pagbigyan ang request niya sa 'kin. Malay ko ba kung nagsisinungaling siya o dinadramahan niya ako para makuha ulit ang loob ko?

But I would admit na na-impress ako sa determinasyon niya. Hindi madaling ikuwento ang isang bagay na hindi ka legally allowed na i-share sa iba. If Alaric or anyone in his family found out na sinabi niya sa 'kin ang buong detalye ng aksidente, malamang nagka-breach na ro'n sa kanilang agreement. Hindi rin madaling lumuhod at ibaba ang sarili sa harap ng ibang tao. Mukhang ma-pride si Castiel na hindi basta-basta magpapakumbaba, pero nagawa niya sa harapan ko.

Maybe he was that desperate to convince me. Or maybe he was that determined to push through with his plan.

Well, I might have granted his request, pero hindi nangangahulugan 'yon na pinatawad ko na siya. Galit pa rin ako sa kanya. Gusto ko nga siyang sampalin no'ng nasa guidance center kami, pero nagtimpi ako. At saka meron ding kapalit ang pabor na hiningi niya sa 'kin. Pinag-resign ko siya sa council para hindi na siya makapambiktima pa ng gaya ko for the sake ng plano niya.

Yeah, that's all I wanted for now. Priam and the council would get into trouble kapag hinayaan nila siyang manatili ro'n. Gagawin niya ang lahat para makuha ang kanyang gusto, at handa siyang isakripisyo ang lahat—hindi lang ang inosenteng gaya ko kundi maging ang dangal niya mismo. Sooner or later, makahahanap din siya ng katapat o kaya'y makapagka-catch up na ang karma sa kanya. Kapag nangyari 'yon, madadamay ang buong council sa mga kalokohan niya. Kaya kailangan na niyang maalis do'n sa lalong madaling panahon.

Would I be able to forgive him? Maybe someday, but definitely not now. Not anytime soon. Bumukas ulit ang sugat ko at humapdi na naman. Only time could tell if I would be able to fully forgive him. At least, sa ngayon, hindi na magkukrus ang mga landas namin.

But I felt guilty. No, not for Castiel! He didn't deserve it. I felt guilty for Reynard. Feeling ko tuloy, pinaikot ko siya 'tapos tinraydor. Totoo namang balak kong i-expose si Castiel sa kanya at sa buong university. Kaso kumambyo ako no'ng oras na mismo ng interview.

Instead of the promised exposé, I talked about my relationship status with Priam. Nang natapos nga ang livestream, paulit-ulit ang pagso-sorry ko kay Reynard habang nakatulala pa rin siya. Sobrang bait nga niya. Sinubukan pa niyang gisingin ako sa panloloko ni Castiel at buksan ang mga mata ko sa panggagamit sa 'kin. He didn't deserve that treatment. Pero kailangang mangyari. I had to protect Priam and his council—minus the chief-of-staff.

Play The Queen: Act OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon