Chapter 14: Shirt Shenanigan

18K 1.5K 2.1K
                                    

A/N: PTQ has reached 50K reads in less than two weeks! Thank you so much for your support! Tuloy-tuloy lang ang updates hanggang March!

A/N: PTQ has reached 50K reads in less than two weeks! Thank you so much for your support! Tuloy-tuloy lang ang updates hanggang March!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

HACIENDA GARCIA is a magnificent place! Heto ang tipo ng lugar na pwede mong pag-shooting-an ng movie o TV series dahil sa sobrang ganda ng location. Walang tapon kahit sa anong anggulo tingnan. Pwede ring mag-photo shoot dito at paniguradong aesthetic ang kalalabasan.

Napaisip ako kung magkano ang renta rito ng University Student Council. Malaki kasi ang property—may tatlong villa, isang dormitory building, isang venue hall at dalawang swimming pools. We had it only for ourselves. Walang tagalabas na manggugulo sa activities namin, which was good because that might complicate the set-up.

Ten minutes before eight o'clock, nakarating na ang buses na sinakyan namin sa venue. Isa-isa kaming bumaba at kinuha sa compartment ang mga gamit namin. Since I was an outsider here, kinailangan kong dumikit sa USC officers. Ayaw ko ring ma-out of place lalo na kapag nagkasama-sama ang student leaders.

Binitbit nina Priam at Rowan ang malalaking box habang bitbit ni Castiel ang ilang paper bag sa kanang kamay. Some of the resort staff also helped out by putting our bags on a trolley. Tumulong na rin sa pagbitbit sina Valeria at Sabrina habang tila walang pakialam si Tabitha. Dahil saling-pusa ako rito, I assisted them by carrying one of the smaller boxes. Dinala namin ang mga gamit sa gazebo kung saan naka-arrange na ang ilang mesa at upuan.

I looked back and saw the College Student Council officers taking photos together and chatting with each other. Bitbit na nila ang kanilang bags at mukhang naghihintay ng instructions.

"Pasensya na kung kailangan mong mabuhat, ah?" sabi ni Valeria pagkababa ng mga gamit sa gilid. Nasa bandang hulihan kami ng gazebo kung saan may mahabang table. "Kulang kami sa tao kaya kami-kami rin ang nag-aasikaso nito. Priam didn't want to bring in additional volunteers because of the cost."

"Wala 'yon!" I rubbed the dust off my palms. "I'm here to assist you as a volunteer, so you can use me as you will."

"Mabuti pa 'tong si Fabienne, tumutulong." Binato ni Valeria ng tingin si Tabitha na busy sa pagpo-pose at pagkuha ng selfies. "'Yong isa riyan, hindi man naisipang magbuhat kahit isang maliit na paper bag."

Ibinaba ni Tabitha ang phone niya at binalingan ng tingin si Valeria. "Val, you know naman na I have weak buto and my balat is sobrang sensitive kaya I can't buhat those stuff. Isa pa, what's the pakinabang of Fabienne being here kung hindi natin siya mau-utilize, 'di ba? You know magkano ang per head dito sa Hacienda Garcia?"

Sa unang meeting namin, parang hindi na maganda ang impression sa 'kin nitong si Tabitha. She's the only one who didn't shake hands with me no'ng bumisita ako sa USC office. Hindi ako na-offend do'n, pero na-bother ako no'ng focused siya sa kanyang phone kaysa magpakilala sa 'kin.

Play The Queen: Act OneWhere stories live. Discover now